C13

25 3 0
                                    

WARNING: MEDYO SPG!!

Sinabi ko agad may Mama na sinagot ko na si Drei, natuwa siya dahil pagtapos ng ilang taon ay umusad na ako sa aking proseso ng pagtanggap ng lahat.

Bago kami bumalik sa siyudad ay nag proxy muna ako ng Ninang sa isang binyag, sakto na kinuha ding Ninong si Drei doon kaya naman magkasama kaming dumalo.

Ibang relihiyon ito kaya malayong malayo ang ginawa nilang proseso sa nakasanayan ko. Nasa unahan si Drei habang nasa pinaka likod ako. Sobrang gwapo niya sa suot n'yang black slacks at white na polo shirt, ng dumaan ang pagbubuhat sa bata ng lahat ng Ninang at Ninong ay pinanood ko kung paano kargahin ni Drei ang bata. Magaan ang kaniyang kamay at habang inaabot sa kaniya ang bata ay inosente itong nakatitig sa kaniya. Hinalikan n'ya ang sintido ng bata at ibinalik sa magulang pagkatapos nilang kuhaan ng litrato. Gano'n rin ang aking ginawa ng ako na ang bubuhat sa bata, magaan lamang s'ya. Saktong kukuhaan ng kami ng litrato ay dumapo ang paningin ko kay Drei.

Nakangiti s'ya sa'kin. "I love you" buka ng bibig n'ya, kahit walang boses iyon ay aking naintindihan. Ngumiti lamang ako at ngumiti sa camera.

Dumaan ang mga araw at opisyal kong sinabi sa pamilya ko kung anong meron sa amin ni Drei. I don't need their permission to love him. Gusto ko lang na malaman nila dahil kahit katiting ay meron pa akong respeto sa kanila.

Nakaupo ako sa aking study table ng lumuhod sa gilid ko sa Drei habang may hawak na paper bag. Inosente ko s'yang tiningnan, inabot n'ya sakin ang paper bag kaya namin kinuha ko iyon. Tumayo siya para makita akong binubuksan iyon.

Tumingin muna ako sa kaniya bago iyon buksan. Dalawang magkaibang shade ng liptint at isang dark blue na scrunchie ang nasa loob.

Tumingin ako sa kaniya. "Hindi mo na ako kailangang bigyan nito"

Bumuntong hininga s'ya. "Alam ko, nakita ko lang kasi na mahilig ka sa liptint kaya naman iyan ang una kong regalo sa'yo bilang opisyal na girlfriend ko," saad niya at yumuko para halikan ang aking noo.

Ngumiti ako ng humiwalay siya. "Salamat"

Ngumiti siya sa akin at umupo sa kaniyang sariling swivel chair, binuklat ang medical book n'ya at isinuot ang kaniyang salamin.

"Mag-aral ka na, Attorney Cilvestre"

"Yes, Doc. Javillonar"

Kunwari kong binuksan ang aking libro pero nanatiling nasa kaniya ang paningin ko.

It feels so great to stay with you. It is as if elsewhere is lostness, and to be by your side is home.

I hate romance, I don't believe in fairy tales, I don't believe in forever, hindi ako naniniwalang merong isang prinsipe lagi na magliligtas sa prinsesa. I'm not a clingy girlfriend, I don't like someone to touch me. Pero pag sa kaniya, lahat ng ayaw ko ay hindi ko napapansin. Go with the flow nalang ako palagi dahil alam kong hindi nya ako papabayaan pero nando'n parin iyong paraan ng pag-aalaga ko sa aking sarili, dahil baka sakaling mawala siya ay kakayanin ko. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente kaya naman nag eenjoy nalang ako sa mga nangyayari sa buhay ko dahil alam kong lilipas din ito.

Katapusan ng Mayo ay bumalik kami sa syudad para magpatuloy sa pag-aaral. Nag-enjoy ako sa aking bakasyon kahit na ayokong mag stay sa bahay. Isang linggo bago ang pasukan ay nasa syudad na kami dahil marami pa kaming aasikasuhin. Tatlong araw na rin kaming hindi nagkikita si Drei dahil sabi n'ya ay meron s'yang inaasikaso, pabor iyon sa'kin dahil may sarili din akong pinagkakaabalahan.

"Sol?" Ani ko isang gabi ng lumabas ako sa aking kwarto. Alas dose ng gabi at magkakape sana ako pero naabutan ko si Sol na nasa kusina, bihis na bihis.

With The MoonWhere stories live. Discover now