C18

18 2 0
                                    

WARNING: SPG!

Mabilis na lumipas ang araw, dalawang buwan ng wala si Sol. Huminto na rin akong pumunta sa faculty n'ya kasi alam ko namang walang Sol na lalabas. Madalas din ma-distract ni Drei ang atensiyon ko kaya naiiwasan ko ng mag-isip ng kung ano-ano.

Friday night, Sofia invited me. My classmate, she's a friend of mine, we're not really close pero we have a good relationship. Minsan nagkakausap kami sa loob ng klase pero minsan ay hindi dahil parehas naming priority ang study.

This is her debut, sa beach gaganapin. Maimpluwensiya ang pamilya ni Sofia kaya sure akong maraming tao. Gusto daw niya ng kakaibang debut kaya hindi niya gagawin iyong nakagawian kundi normal na birthday party lang. Tala was also invited and I think kasama rin si Drei dahil may natanggap rin s'yang invitation.

Kinagabihan ay sinundo kami ni Drei para sabay sabay na kaming tatlo na pumunta sa beach. Hanggang Linggo ng tanghali lang kami dahil may aasikasuhin pa akong research para sa isang case na hawak ng grupo namin.

Kwentuhan lang ang ginawa namin sa buong byahe at kumain. Nang makarating kami sa beach ay marami ng tao, inasikaso naman kami agad ni Sofia. Magkasama kami ni Drei sa iisang kwarto habang wala namang kasama si Tala sa kwarto niya.

Kinahapunan ay pumunta ako sa tabing dagat, umupo ako sa ice cream parlor at tinanaw ang asul na dagat. I'm wearing white shorts and yellow cropped tank top, hinahangin naman ang buhok kong naka half ponny tail.

"Hindi manlang ako hinintay," pagmamaktol ni Drei ng makaupo sa tabi ko. May sinabi siya sa waiter at tumingin sa'kin ng nakanguso.

I chuckled. "Akala ko tulog ka e,"

"Ayaw mo lang ako isama, daming boys dito oh" inirapan niya ako kaya natawa ako sa reaksyon niya.

"Hindi kita susuyuin," paalala ko kaagad.

He scoffed. "Alam ko naman. Pag galit ako mas galit ka kasi e" kinuha n'ya iyong dalawang baso na binigay ng waiter na merong ice cream. Binigay niya sa'kin ang cookies and cream na flavor, I thanked him.

Muli kong binalik ang paningin ko sa dagat. Sa pwesto namin, magandang tanawin ang dagat at kaakit-akit pero pag nasa taas ka, makikita mo kung gaano kalalim, kalawak at kung gaano kadilim ang ilalim ng dagat. Wala akong ibang pinagsasabihan kung ano ang greatest fear ko, at wala akong balak sabihin kahit kanino.

I have Thalassophobia, I'm afraid to any kind of deep dark water. Pag nasa dagat ako o swimming pool pakiramdam ko meroong bagay na nasa ilalim at hihilahin ang katawan ko palubog. Ayaw na ayaw ko ang makita ang dagat ng madilim, pag nasa mataas na bagay ako at natatanaw ang gitna ng dagat ay nangangatog na ang tuhod ko. Maganda ang dagat pero napaka misteryoso at delikado.

"Sinong iniisip mo?" Tanong ni Drei kaya napahinto ako sa pagkain ng ice cream. Nakatitig siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Wala"

"Meron e,"

"Wala nga"

"Siguro nagsisisi ka na 'no?"

"Ano? Saan?" Natawa ako at tumingin sa kaniya. Sadness spread to his eyes.

"Wala," ganti n'ya sa akin kaya naman hinampas ko ang braso n'ya. Tumingin lang s'ya sa dagat at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Tumingin ako sa kaniya, mukhang malalim ang iniisip n'ya, nanatiling naka kunot ang noo dahil sa init. He's wearing black board shorts and white tshirt, hinahangin ang buhok niya kaya nakadagdag iyon sa pagiging gwapo niya.

Gustong gusto ko pag nakikita ko s'yang seryoso pero mas paburito ko pag masaya ang mata n'ya, ang gwapo n'ya kahit anong ekspresyon ng mukha n'ya. Ang sarap ipagsigawan na boyfriend ko s'ya. Ang sarap niyang ipagmalaki.

With The MoonWhere stories live. Discover now