Kabanata 13

680 26 11
                                    

Kabanata 13, Beg

"Ate!" Bumagal ang aking hakbang ng marinig ang boses ni Alen.

Kinunutan niya ako ng noo bago binalingan ang aking hila-hilang lalaki. Nginiwan niya ako. Tila ba'y hindi makapaniwala sa aking kagagahan.

"Dad's looking for you, who's this?" Inaral niya ang tindig ni Anthon na mabilis na umayos ng tayo.

"Hello bro..." bati niya sa aking kapatid na inismiran lamang siya.

Tinalikuran kami ng aking kapatid at nagmamadaling pumasok sa venue. Nagkatinginan pa kami ni Anthon bago ako dahan-dahang humiwalay.

"I'm sorry..." panguna ko. "I have to go first..."

Mukhang nagtaka siya sa aking inasal ngunit agad ding umiling. "No worries, if you want to talk, you'll find me at..." nilibot niya ang kanyang tingin.

Ilang sandali pa'y tumigil iyon sa counter kung saan nakahilera ang ilang mga alak. "There." Turo niya.

Tumango ako. "Noted..." mahinang sambit ko.

Bago ko pa man masundan ay may naramdaman na akong lumingkis sa aking baywang.

Agad na sinalubong ng aking ilong ang pamilyar na pabangonv iyon. Kahit hindi ko lingunin...

"Shall we...?" Ani Vernon. Tiningala ko ito.

Tinignan ko ang pinanggalingan niya kanina at namataang nakatingin sa amin ang kanyang ama.

Uminit ang aking pisngi at nagkunwaring normal. Nakita kong bahagyang nabura ang ngiti ni Anthon ngunit kalaunan ay binalik niya iyon.

"Nice to meet you Riel..." aniya. Mas lalo lamang akong hinapit ni Vernon na tila ba'y ayaw niya na akong magsalita.

Hindi ko iyon pinansin.

"Nice to meet you too, Anthon..." malambing kong sagot.

Kalaunan ay nagpatianod na ako sa giya ng lalaking ito.

Hindi rin ako makapalag dahil natatakot akong baka may makakita sa amin at magkaroon ng eksena!

"Why're you with him?" Mariing tanong ni Cyprian. Dinig ko na ang musikang tumutugtog mula sa maliit na entablado.

"None of your business." Pabalang kong sagot.

"I'm serious, Arariel."

Ramdam ko ang init ng kanyang palad mula sa ilalim ng aking suot. Para akong pinagpapawisan kahit na naka-aircon naman ang lugar.

"Hindi kita pinakealaman noong may kasama kang iba Cyprian, bakit nangengealam ka ngayon?" Natawa ako sa aking sinabi.

Pinakalma ko ang aking sarili at hindi pinahalata ang kanyang nagiging epekto.

Suminghap siya, ngunit bago pa man masundan ang kanyang sasabihin ay nakita ko ng kumakaway si Dad sa aming direksyon.

Bahagya akong namutla sa takot na baka nakita niyang nagtatalo kami. Nakahinga lamang ako nang maluwag ng nginitian niya kami ng tuluyang makalapit.

May kaharap siyang ilang matandang lalaki na pinanood kaming maglakad. Nakaupo sila sa isang mahabang lamesa at may ilang pagkain ang nakalagay sa kanilang harapan.

"Here's my daughter, Amesha Arariel..." Pakilala sa akin ni Dad.

Nginitian ko naman sila lahat. Pinaghila ako ni Vernon ng upuan bago umupo sa aking tabi.

"Here's my son-in-law..." Aniya sabay lahad kay Cyprian.

Pinamulahan ang aking pisngi.

"Dad..." Mahina kong sita.

Taste Of Vanquish | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon