Kabanata 3

1.6K 39 2
                                    

Kabanata 3, Speaker

"Finally!" Malakas ang boses ni Alen apat na araw ang lumipas noong huling pumaroon ako kila Cyprian. "Thanks Dad!"

Itinaas niya sa ere ang pinabiling video game at masayang dumiretso sa kanyang PS4.

"Welcome back Dad." Ngiti ko sa aking ama bago nagmano.

Kagagaling ko lamang sa school at kasabay ko si Cyprian. Madalas kaming sabay dahil ang sabi ni Daddy ay huwag ko ng abalahin pa ang mga driver, tutal ay pareho lang din naman kami ng daan pauwi. Isa pa, pareho kami ng kurso, pareho ng mga klase... halos hindi na kami naghiwalay kaya naisipan ni Dad na magsama na lang kami.

Kahit labag man sa loob ko'y hindi na ako umapela. Sa taas ng respeto niya sa mga Arciaga baka ako pa ang magmukhang masama!

I'm used to it. Nag-aaway lang kami kapag walang nakatingin pero pag nasa harap na ng aming magulang ay tumitino naman ang aming samahan.

"I got something for you as well, anak." Aniya bago tumalikod upang makuha ang kanyang binili sa akin.

Nang humarap siya'y ipinakita niya sa isang maliit na kahon. Dahan-dahan ko iyong kinuha sa kanyang kamay at maingat na binuksan. Bumungad sa akin ang isang kulay pilak na bangle. May mga maliliit na diyamante sa gitna na bahagya pang kuminang nang matamaan ng ilaw sa ceiling.

Suminghap ako at agad na ngumiti. "This is so pretty Dad, thank you."

Inalis ko iyon sa lalagyan at mabilis na sinuot. Bumagay iyon sa aking may kaputiang balat. Tiningala ko ang aking ama at pinatakan siya ng halik sa pisngi.

"I'm glad you like it! Inimbita ko sila Cristopher mamaya sa dinner." Kinindatan niya ako. Ang ngisi na pinakita ko sa kanya'y mabilis na nanigas.

Halos bumagsak ang balikat ko sa kanyang sinabi ngunit pilit ko iyong tingo nang makabawi.

Magkasama na nga kami kanina... ngayon ay makikita ko nanaman iyong hudyong Cyprian na iyon!

Halos mapangiwi ako sa naisip. Tinignan ni Dad ang aking reaksyon at muli kong sinuot ang aking maskara.

Hilaw akong ngumisi. "Oh... okay dad. Punta lang po muna ako aa kwarto para makapagbihis."

Tumango siya at doon na ako tuluyang tumalikod. Nang hindi ko na siya kaharap ay agad na bumagsak ang gilid ng aking labi.

"Yes! Pupunta sila dad? Makakapaglaro kami!" Maligalig na singit ni Alen ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

Mabibigat ang aking yabag lalo na ng makatungtong ako sa ikalawang palapag. Parang ang sarap mag-inarte na masakit ang ulo ko para hindi na ako pababain pa mamaya.

Nang maisarado ko ang pinto'y agad kong nilapag ang maliit na bag sa gilid ng aking lamesa. Dumiretso ako sa closet. Nang mamataan ang aking madalas suoting pang-exercise ay mabilis ko iyong kinuha. Tutal ay wala naman akong magawa at gusto kong maglibang... mag-exercise na lang muna ako para makapaghalf bath na rin.

Mabilis ko iyong sinuot. Tinitigan ko pa ang aking sarili sa salamin para makita ang aking kabuuan.

I'm not fat nor skinny. Sakto lang... ang asset ko ata sa katawan ko ang aking pang-upo. Pero ang dibdib... napanguso ako. It's not that big. Sakto lang. unlike sa mga kaklase kong may ibubuga. But I don't care! I love my body!

Taste Of Vanquish | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon