Kabanata 16, Not yet
"Gosh!" Atungal ni Carla habang inaayos ang suot niyang sandals. Nandito kami sa covered court kung saan nagpa-practice ng cotillon. Wala na kaming panghapon na klase dahil may meeting ang mga profs para sa prom.
Ngayon lang kami ulit nagkausap mula noong issue.
Wala si Iris at si Clair. Sinamahan ko lamang sina Carla at Klaud dahil matagal na nga kaming hindi nakakapag-usap.
Pinili lamang ang mga sasayaw at kasama silang dalawa roon. Nakatanggap din ako ng imbitasyon ngunit hindi ako pumayag.
And for Vernon... naging maayos naman ang lagay niya. Binibisita ko siya kada-umaga ngunit agad ding uuwi. Ngayon ay nakapasok na siya at hindi ko lang alam kung nasaang lupalop siya pumunta.
Ang huling kita ko'y kausap niya ang ilan niyang kabarkada.
"Dapat pala hindi natin tinanggap sumayaw..." ani Carla sabay hubad ng kanyang suot na sandals.
"I thought you'll like it." Ani Klaud. Napailing lamang ako.
Buti na lamang ay hindi na nila binuksan pa ang paksa patungkol sa amin ni David. Alam kong gusto rin nilang magtanong pero baka hinihintay nilang ako ang mag-open up.
"May susuotin na kayo sa prom?" Tanong ko. Umaga pa lamang kaya naman sobrang init.
Kawawa naman ang dalawa dahil kita kong pawis na pawis ang mga ito.
"Yeah, bumili na kami last week. Baka kasi ubusan na kung papatagalin..." aniya. "Mahirap na baka magkasabay-sabay."
Tumango-tango ako. Maybe I should check na rin later...
Nag-usap kaming tatlo saglit. Kinamusta nila ako at sinabing magiging okay rin ang lahat. Tanging ngiti lamang ang aking naipakita.
Tama sila. Magiging okay din ito... magkakaibigan kami at hindi dapat nasisira ang pagkakaibigan dahil lang sa ganito.
Ilang minuto ang lumipas ng sumagi sa aking paningin si Cyprian. Kahit malayo ay kita ko ang magulo nitong buhok at ang seryoso niyang ekspresyon. Kapapasok pa lamang nito sa court at halos magkandababali na ang leeg ng mga babae sa kalilingon sa kanyang direksyon.
Hindi niya binalingan iyon. Laging gulat ko na lamang ng agad niya iyong ipinukol sa akin.
"Kung hindi ko lang nalaman na may issue kayo ni David, nasa isip ko talagang kayo na ni Arciaga." Ani Klaud.
Ngayon lamang niya binanggit si David. Mula sa gilid ng aking mata'y nakita kong tinampal siya ni Carla.
Napailing lamang ako sa kanila. "We're family friends..." tumikhim ako. "Hindi ko siya type."
Umismid lamang si Klaud. Tila ba'y nagdududa sa aking sinabi. Hindi ko siya pinansin.
"Hey..." ani Cyprian.
Napatingin ako sa kanya. Nakamata siya sa akin ngunit agad ding bumaling sa aking mga kaibigan.
Napatikhim ako. "Uhm... Cyprian this is, Carla and Klaud..." pakilala ko sa aking mga kaibigan.
"And... uh... this is Cyprian."
Ngumiti siya at agad na inabot ang kamay. Pormal itong nagpakilala. Agad naman nila itong inabot.
Halos matawa ako. Ano ito? Formal gathering?
"Hindi ka sumali sa paprisa pare?" Tanong ni Klaud. Pagbabasag katahimikan.

BINABASA MO ANG
Taste Of Vanquish | R-18
General Fiction18+ Arciaga Brothers Series #2: Cyprian Verneri Arciaga Amesha Arariel Andrade lived her life full of gold and jewels. Isang pitik lang ng daliri'y lahat ay kaya ng ibigay sa kanya. Pero ano nga ba ang hiling ng isang babaeng nakalatag na ang lahat...