Simula

5.4K 67 10
                                    

This is a stand alone story, pero may scenes na galing sa POD. So kung ayaw niyo pong ma-spoil, I recommend you to read Pleasure Of Destruction first before reading this one. If you don't want, it's not really necessary. Just continue reading! Enjoy!

Ps. Stay safe guys!

Simula

"Wuhoo!" Sininghap ko ang malakas na hanging sumasalubong sa aking mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Wuhoo!" Sininghap ko ang malakas na hanging sumasalubong sa aking mukha. Nililipad nito ang aking mahabang buhok habang ang aking braso'y nakataas.

Nagtawanan ang aking mga kaibigan.

"Sit down Riel!" Puna sa akin ni Klaud. Ang mata niya'y nasa harap dahil siya ang nagmamaneho.

"Buzz killer!" Irap ko at nagpatuloy.

Nilibot ko ang aking mata sa matataas na puno ng Rio Moneca. Ang halimuyak at ang malakas na tunog ng hanging nagpaparamdam sa akin ng kalayaan.

I love this place. Dito ako lumaki... but somehow, Gusto ko pa. Gusto kong marating ang syudad!

Pero... dahil sa aking striktong ama ay hindi ako makapunta sa kahit saan! Maliban na lang kung kasama iyong mga 'pinagkakatiwalaan' niya.

Buti na lang ay lumipad siya sa Cebu for business trip. Ngayon ay kayang kaya kong gawin ang lahat!

"Here we go!" Masayang sigaw nila Carla pagkatapos bumaba sa convertible ng kanyang kasintahang si Klaud.

Mula sa aking pwesto ay dinig na dinig ko ang malakas na kalampag ng bagong tayong bar. Hindi pa ako nakakarating sa lugar na ito, pero mula sa aking mga nababasa ay masaya rito!

"Excited na ako!" Tili ni Clair bago kumapit sa aking braso.

Si Clair ang pinakabata sa amin. Kabi-birthday niya lang noong nakaraan at ngayon ay pwede na siyang makulong.

"Boys! Boys! Boys!" Naunang maglakad si Iris na sinundan ng kanyang kapatid na si David.

Well... David used to be my fling. Walang nakakaalam noon kaya naman ngayong sumasama siya sa gala ng kapatid niya'y nakaka-awkward.

Sinundan na rin namin sila papasok. Buti'y hindi mahigpit ang mga guwardiya rito.

Siguro'y hindi rin nagbabawal para mas maraming tao ang pumunta. Hindi naman big deal.

Mas lalong lumakas ang tunog ng musika. Pakiramdam ko'y ang beat ng kanta'y ang mismong tibok ng aking puso.

"Doon na lang tayo!" Sigaw ni Klaud bago tinuro ang dulong lamesa.

Nakisayaw kaagad si Iris at sa isang lingon ay hindi ko na siya namataan.

Ang kapatid niya naman ay napatingin din ng hinanap ko ito. Nagkibit balikat lamang ako bago dumiretso.

"Ah! Finally!" Masayang inokupa ni Clair ang upuan  at agad ko naman siyang tinabihan. At dahil kasunod ko si David ay naging magkatabi rin kami.

Taste Of Vanquish | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon