Kabanata 18

1K 25 13
                                    

Kabanata 18, Dance

"Ang ganda..." sambit ko bago ko hinaplos ang disenyo ng aking hair dress. Para iyong simpleng flower crown.

Nakasingit ang ilang mga maliliit na bulaklak sa aking naka-braid na buhok na nakapatong sa aking kaliwang balikat.

"Bagay na bagay sa iyo anak..." ani Dad habang tinitignan ako mula sa salamin. "Kamukha mo ang mommy mo."

May bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. Nginitian ko ito.

"Thank you Dad..." hinalikan ko siya sa pisngi.

Tinitigan ako ni Alen. May lollipop itong kinakain.

"You look good." Aniya bago tumalikod para kalikutin ang controller niya.

Lumabi ako. Bago pa ako makapagsalitang muli'y namataan ko ang humahangos na katulong mula sa baba.

"Naghihintay na po si Sir Cyprian..." aniya.

Uminit ang aking sikmura. Wala sa sarili kong hinawakan ang puting boutonnière para kay Vernon. Terno ng mga bulaklak na nakasabit sa aking buhok.

Napatingin doon si Dad. Kalaunan ay inalok ang kanyang braso upang samahan akong bumaba.

Mula noong gabing sinabi ni Cyprian na manliligaw siya'y naging tahimik si Dad. Pangiti-ngiti lamang. Hindi siya nagtanong sa akin, gawa na rin siguro ng malaking tiwala niya rito.

Nang makarating kami sa kalahati ng hagdan ay namataan ko na kaagad ang naka-tux na si Cyprian.

Nakahawi ang kanyang buhok palikod na mas nagpadepina ng kanyang panga. Kulay dark gray ang kanyang suot, at gray ang kulay ng kanyang tie.

Nakaawang ang labi nito habang nakatitig sa akin. Hindi iyon humiwalay. Kumalabog ang aking dibdib.

Nang tuluyan kaming makarating sa baba'y agad niyang nginitian si Dad. Dahan-dahang humiwalay sa akin ang aking ama at lumapit naman si Cyprian.

May sinabi pa siya rito, hindi ko iyon maintindihan gawa ng hina. Hindi ko na lamang din pinansin.

"Ingat kayo." Ani Dad mula sa pinto.

Kumaway lamang ako. Nang ibalik ko ang atensyon kay Vernon ay agad akong natigilan ng mamataang nakatingin muli ito sa akin.

Huminga siya nang malalim. "You're breathtaking..." aniya.

Kinagat ko ang labi ko. "Thanks..." tumikhim ako. "You look good too..."

Ngumiti lamang ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot sa driver's seat.

Hindi ko alam kung bakit para akong nakalutang habang nakatingin sa kalsadang nasa harapan.

Hindi pa nagtatagal ng bigla kong marinig ang pagtunog ng aking cellphone na nakalagay sa aking pouch.

Mabilis ko naman itong hinagilap. Mula sa notification ay nabasa ko kaagad ang bungad.

David:

Can we talk?

Nawala ang ngiti ko at agad iyong ibinalik sa aking maliit ng bag.

Akmang ibabalik ko na ang cellphone sa aking bag ng maramdaman ko ang mabigat na tingin sa akin ni Cyprian.

Napalingon ako roon.

Kumalabog ang dibdib ko ng magtama ang aming tingin. Panandalian iyong nawala dahil napatingin siya sa aking cellphone ngunit agad ding huminga nang malalim.

Kalaunan ay maingat niyang inabot ang aking kamay. Ilang sandali pa'y namataan kong marahan niyang inilagay ang magandang corsage sa aking palapulsuhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taste Of Vanquish | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon