Kabanata 15, Fever
Malawak ang aking ngiti sa mga sumunod na araw. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Dad. Kita kong nag-aalala pa rin ito ngunit malaki ang tiwala niya kay Vernon kaya naman hindi siya tumutol. Panay lamang ang paalala niya kahit na sa summer pa naman ang alis.
Sabado ngayon at pahinga.
Umagang umaga pa lamang ay nambulabog na si Chevalier upang makipaglaro kay Alen.
Dumiretso ako sa hapag upang makakain. Nang mamataan ng aking kapatid ang malaki kong ngiti ay tumaas ang kilay nito sa akin.
Hindi ko siya pinansin dahil walang makakasira ng araw ko.
Nang makarating sa hapag ay agad kong nilamutak ang mga pagkaing nakahain. Nagpakabusog ako dahil balak ko rin mamayang mag-exercise.
Nang matapos ay pakanta-kanta akong naglakad pabalik sa kwarto upang manood ng pelikula at magliwaliw. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakarating sa hagdan ay narinig ko ang usapan ng dalawang nasa sala.
"Yeah... he didn't go out." Ani Chevalier.
"Too bad, maybe that's why ate's happy." Mabilis akong natigilan.
"What?" Pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Kuya Cyprian's sick you sadist." Ani Alen habang nakatuon ang atensyon sa nilalaro.
Agad na naglaho ang ngiti sa aking labi. "What?" Tanong kong muli.
"Ask Val." Ani Alen. Napatingin naman ako sa kaibigan niya.
"Yeah... kuya has a fever." Gatong ni Chevalier habang hindi inaalis ang mata sa screen.
"Since when?" Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking sikmura.
"Since last night." Segunda niya. Bigla akong tinambol ng konsensya. Parang naglaho ang aking tuwa at napalitan ng kung anong pagsisisi.
Kasasabi ko lamang na walang sisira ng araw ko ngunit...
Nagtanong pa ako ng ilang detalye kay Chevalier at sinagot naman niya iyon. Pagkatapos ay agad na akong dumiretso sa kwarto upang makapaghanda.
Siguro'y pupunta na lang muna ako sa kanila upang i-check ang kalagayan niya.
Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Ni-hindi ko na napatuyo ang aking buhok sa sobrang pagkamadali.
Nang matapos ay agad na akong lumabas upang magpaalam kay Dad. Ngunit hindi ko na ito naabutan. Siguro'y nasa trabaho na. Kaya naman sinabihan ko ang ilang katulong na aalis muna ako't pupunta sa mga Arciaga.
Nag-text na rin ako sa aking ama para sigurado. Pagkatapos ay nagpahatid ako sa available na driver at buti na lamang ay mayroon pang bakante.
"Salamat po kuya." Sambit ko ng makarating sa tapat ng mansion.
Pagkababa'y sinalubong ako ng ilang katulong. Nagmamadali akong ngumiti sa mga ito.
"Si Cyprian?" Tanong ko.
"Nasa kwarto niya po." Ani isang bagong katulong.
BINABASA MO ANG
Taste Of Vanquish | R-18
General Fiction18+ Arciaga Brothers Series #2: Cyprian Verneri Arciaga Amesha Arariel Andrade lived her life full of gold and jewels. Isang pitik lang ng daliri'y lahat ay kaya ng ibigay sa kanya. Pero ano nga ba ang hiling ng isang babaeng nakalatag na ang lahat...