Kabanata 1, Take it or leave it
"You're not allowed to go inside someone's room, without their permission Val." Unti-unti akong naalimpungatan ng makarinig ng mga boses.
Ngunit kasabay ng pagmulat ng aking mga mata ay ang unti-unting pagrehistro ng sakit sa aking buong ulo!
"Fuck!" Mura ko iyon sinapo. Mariin ko iyong hinilot gawa ng matinding kirot!
Shit! Is this hangover?
"She's awake." Binaling ko ang aking tingin sa pinto at agad na nanlumo ng mamataan ang magkapatid doon.
"What are you doing here?!" Iritado kong asik bago pinilit na tumayo.
Hinilot kong muli ang aking sentido. Ngunit ng mapagtantong ayaw ko talagang gumalaw gawa ng pasakit ay bumalik na lang ako sa aking kama.
"Ugh!"
Pagkahiga kong muli ay doon ko lang napagtantong hindi ko kwarto ang aking tinutuluyan ngayon!
Agad akong napasinghap bago sila tinapunan ng tingin sa pinto.
"Anong ginagawa ko rito?" Unti-unting gumapang ang kaba sa aking boses.
Shit! Nandito ako sa kanila! Kahit limot ko na ang nangyari kagabi, tanda kong pumunta kami sa bar! And fuck! Sila pa talaga ang...
"Kuya brought you here last night." Sagot ni Chevalier. Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakangiti ito.
Halos manlamig ang aking loob sa kanyang sinabi.
Remember what I said? Ang mga pinagkakatiwalaan ni Dad...
Here they are.
"I'll talk to her. Eat your breakfast downstairs. Sabihin mo susunod kami." Ani Cyprian. Ang marahang boses nito ay ang dahilan ng aking muling pagtingin sa kanilang gawi.
Nakita kong tumango si Chevalier bago tumalikod. Pagkatapos noon ay inayos ko na ang aking sarili. Hindi ko pinahalata ang namumuong takot sa aking loob.
"So..." panguna ni Cyprian bago lumapit sa aking pwesto.
Nakapamulsa pa ito nang tumigil siya sa aking gilid. Halos malasahan ko ang tabang ng aking pakiramdam.
Dad's always against my decisions whenever I'm trying to explore, or trying to meet other people. But when it comes to them... the Arciagas... kulang na lang ay ipaasawa niya na sa akin ang mga ito!
"After saving your ass from the almost strip show last night, susungitan mo pa rin ako?" Pagtataas nito ng kilay na para bang dapat ay mahiya ako sa aking inaasal.
Agad akong ngumiwi. Kahit iritado ako sa kanya, ang marinig ang strip show ay sanhi na para makaramdam ako ng pamumula!
"Your dad was off for just two days Riel... and here you are." Napailing ito nagkukunwaring dismayado. "Ano na lang kaya ang sasabihin niya?"
Agad akong napasinghap doon.
Mag-mall nga lang kami ng mga kaibigan ko'y halos ikulong niya na ako sa kwarto. Ito pa...
Baka hindi na ako makauwi.
Nangasim ang aking sikmura. Fucking shit! Ano bang sumagi sa isip ko at ginawa ko iyon? Ni wala nga akong maalala! Ano pang kahihiyan ang nagawa ko kagabi?
At ang lalaking ito.
Sa lahat ba naman ng pwedeng makakita.
"Don't tell him..." mahina ang aking boses. Natatakpan ng kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Taste Of Vanquish | R-18
General Fiction18+ Arciaga Brothers Series #2: Cyprian Verneri Arciaga Amesha Arariel Andrade lived her life full of gold and jewels. Isang pitik lang ng daliri'y lahat ay kaya ng ibigay sa kanya. Pero ano nga ba ang hiling ng isang babaeng nakalatag na ang lahat...