Kabanata 9

640 17 7
                                    

Kabanata 9, Sa Kanya

Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil nakatulog na ako. Nagising lamang ako kinagabihan sa aking madilim na kwarto.

Napahawak pa ako sa sakit ng ulo. Kaya hindi muna ako tumayo.

Kinapa ko ang cellphone sa tabi ng aking lamesa at namataang marami akong notifications. Karamihan ay sa twitter kung saan tinag nila ako sa isang video...

Halos manlamig ang aking hitsura ng makitang iyon yung nangyari sa cafeteria kanina.

Napasapo ako sa aking noo. Ang ilang comments doon ay masama patungkol sa akin. Na kawawa si David dahil nag-effort siya't ni-reject ko...

Kinurap ko ang namuong luha sa aking mata.

Chineck ko ang ilan kong mensahe at namataang karamihan doon ay sa aking kaibigan. Nag-text din si Iris at alam kong galit siya. Mabilis ko iyong pinindot.

Iris:

—And how can you do this to my brother? You couldve rejected him in private

Iyon ang pinakahuli ngunit wala na rin akong ganang basahin iyon lahat. Nakapag text din sina Clair ngunit wala akong ganang mag-reply.

May ilang missed calls din si Dad. Bahagyang tinambol ang aking puso na baka alam niya ng uminom ako kanina.

At anong nangyari pagkatapos noon...

Mabilis kong tinipa ang numero ni Cyprian at agad siyang tinawagan.

Nakailang ring bago niya sinagot. Hindi pa siya nagsalita kaagad.

"Did you tell Dad?" Bungad ko. Hindi siya nagsalita. Dinig kong huminga siya nang malalim.

"No." Mariin niyang sagot.

"Oh, okay, thank you..." nanghina ang aking boses. Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon.

Akala ko'y binaba niya na ngunit ng tignan ko kung putol na ang tawag ay napag-alaman kong nanatili siya sa linya.

"Bye." Sambit ko. Akmang ibababa ko na ang tawag ngunit agad siyang nagsalita.

"I'm sorry." Aniya. Nangunot ang noo ko.

"For what?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Dinig kong bumigat ang hininga niya ngunit hindi na nasundan.

"Nothing..." namaos ang kanyang boses.

"Okay..." sambit ko. "Bye..."

Binaba ko ang tawag at napaisip kung may kasalanan ba siya. Hindi ko na lamang pinansin dahil may mas malaki pa akong problema.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok since hindi naman required. Hindi ko alam kung dumaan pa si Vernon ngunit sinabihan ko na ang mga katulong na hindi ako papasok.

Sa kwarto lamang ako nag-aral kahit na hindi ako makapagpokus gayong patagal nang patagal ay padami nang padami ang mga share at buong eskwelahan nami'y alam na ang issue.

Tinutukan ko na lamang ang pag-aaral dahil bukas ay may klase na. Kinamusta ako nina Clair dahil wala akong reply mula kahapon at sinabi ko na lamang na kailangan kong magpahinga at sa susunod ko na lamang ikukwento.

Taste Of Vanquish | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon