Kabanata 10

667 19 3
                                    

Kabanata 10, Hurt

"Baka mapatagal pa ako rito anak, baka bumalik kami sa Cebu..." ani Dad kinagabihan. Hindi ko pinahalata na may problema ako para hindi siya magmadali.

"Ganon po ba? Sige po, ingat po kayo riyan!" Wika ko.

"Sige anak, busy lang. Tatawagan kita ulit."

"Opo... bye! Love you." Sambit ko sabay tihaya mula sa pagkakadapa.

"Love you too." Aniya bago binaba ang tawag.

Bumuntong hininga ako. Pakiramdam ko'y isusumpa ko ang Linggong ito.

Naging ganoon ang set up kada-umaga. Natapos ang exam week. Ni-hindi ko na nagawa pang malapitan si Cyprian dahil hindi siya mahagilap.

Wala akong magawa kundi ang manahimik. Buti na lamang ay nakakausap ko si Clair kapag walang klase.

"Iris is really mad..." aniya. "Pero naiintindihan ko kasi pinagtaguan niyo siya. Saka..."

Hindi niya tinuloy. Hindi rin ako sumagot.

"Marami ring galit sa iyo since sa issue. Pero medyo humuhupa na rin since hindi ka naman nagsasalita."

"Sila naman ang namomroblema. Hindi naman ako." Pilit akong ngumisi kahit na talagang bumabagabag sa akin iyon.

Lalo na noong nakatanggap ako ng ilang hate messages. I never bothered to open it.

Hindi agad nakasagot si Clair. "Saka what happened to you and Arciaga? Parang... naging mailap kayo mula noong issue ha? Weird."

Sandali akong nanlumo. "May girlfriend siyempre doon siya..." hilaw akong tumawa.

"Wow, parang huling girlfriend niya last last last year pa." Hindi ako nagsalita.

Oo nga... hindi na siya nagka-girlfriend pa. Ngayon lang ulit.

Like I care.

Alas sais ng makarating ako sa bahay noong Biyernes na iyon. Panay video games lang ang aking kapatid. Bumibisita rin sina Cassius ngunit hindi ko na nakita pa ang anino ni Cyprian.

Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa panonood ng pelikula. Wala akong gana ngunit wala rin akong magawa kundi iyon. Nang mapagod ay nakipag-text na lang ako kina Clair. Humingi ako ng tawad kay Iris ngunit hindi rin nakatanggap ng reply.

Noong Sabado'y naisipan ko na lamang na pumunta sa resort nina Tito Cris. Nagpaalam ako kay Dad at hindi naman siya tumutol.

Naghanap ako ng magandang bikini kahit na sasaglit lamang ako. Napagpasiyahan kong suotin ang kulay baby blue kong two-piece at pinatungan ng kulay puting maxi dress.

Pagkababa'y nagsabi ako sa mga katulong na doon na lamang ako sa resort mag-uumagahan. Hindi naman ito tumutol at tinulungan akong maghanda.

Nagpamaneho ako kay kuya Hil papuntang resort at hindi rin nagtagal ay nakarating kami roon. Mula sa kalayuan ay tanaw ko ang ilang mga turistang nilalakad ang kahabaan ng buhanginan.

"Thank you kuya, I'll text you pag uuwi na." Tumango ito at kumaway. Inayos ko ang aking suot na aviators bago napagpasiyahang pumili ng kakainan.

Sa huli'y pumili ako ng seafood restaurant at saglit na nagpahinga.

Nginitian ako ng ilang mga tauhan ng makilala. Minsan ay kumakain kami rito kaya naman hindi maitatangging pamilyar ako sa kanila.

Taste Of Vanquish | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon