Kabanata 5, Come back
Lumipas ang gabing iyon ng hindi ko na siya kinausap pa. Tahimik na lamang akong nagpaalam sa aking ama na aakyat na ako dahil biglang sumama ang aking pakiramdam. Hindi naman siya nag-atubili at sinabing magpahinga na ako.
Pero ngayon...
Bumagsak ang aking paningin sa lupa upang hindi magtama ang tingin namin ng lalaking nagbubukas ng pinto para sa akin.
Alas otso ang aming klase at sinusundo niya na ako. Minsan ay kasabay namin si Alen pero dahil maaga ang aming klase, hindi namin siya kasama ngayon.
"Good morning." Bati sa akin nito.
Hindi ko siya pinansin. Balik ang kanyang sigla. Taliwas sa emosyong pinakita niya kagabi. Nagmamadali na lamang akong pumasok at umikot naman siya para makasakay na rin.
Nagpaalam ako kay Dad na sa aming driver magpapahatid pero ang sabi niya'y may lakad din siya at nandiyan naman si Cyprian.
Pakiramdam ko'y wala na akong takas pa! Hindi naman ako magaling mag-commute dahil palagi akong hatid sundo.
Ilang sandali pa'y nag-ring ang kanyang telepono.
Hindi ko iyon nilingon at deretso ang mata. Mabilis niya namang sinagot iyon bago pinaandar ang sasakyan.
"Cyprian! About sa sinabi ko kagabi! Pinapasali ka sa laro ngayon, sasali ka?" Boses ng babae ang aking narinig mula sa kanyang speaker.
Napalingon siya sa akin saglit at kalaunan ay binalik ang tingin sa harap.
"Pass muna ako ulit Klara." Aniya sa isang normal na tono.
"Ilang beses ka na tumanggi..." nahimigan ko ang paglalambing sa boses nito.
Hindi ko akalaing may kaibigan siyang ganito.
Cyprian's not a loner. Sa totoo lang ay marami siyang kaibigan noong high school kami. Kaso nagkahiwa-hiwalay na noong college dahil iba't iba na ang course.
Isama pa na sa akin siya palaging dumidikit. Kung hindi ko lang alam na gusto ni Tito Cris na mag business ang mga anak niya ay iisipin kong sinusundan niya ako.
"Busy kasi..." aniya sabay muling pasada ng tingin sa akin. Tila ba'y inaalam ang aking reaksyon.
Inirapan ko siya.
Mula sa gilid ng aking mata'y namataan ko ang paglabi nito.
"Palagi ka na lang busy! It's been months, ang tagal na nating di nakakapag-bonding! Magtatampo na sila Freed! Pati ako!"
Halos mapangiwi ako sa tono ng boses nito.
Pabebe. Hindi ba siya makaintindi ng busy? Kung ako iyan ay binabaan ko na ito ng telepono.
"I'm really sorry Klara, may kasabay kasi akong umuwi... ayaw kong maghintay siya." Naramdaman kong nakangisi siya noong sinabi niya iyon.
Naikuyom ko ang aking panga.
Aba! Dinadahilan niya pa ako para makalusot! As if namang gusto ko siyang makasama pauwi!
"Play with them, magpapasundo ako sa driver namin." Masungit kong tugon. Hindi na inisip kung malaman nung babaeng may kasama si Cyprian.
Hindi ko narinig ang sagot ng kabila. If that's enough to shut her up, mas okay na rin!
"O-oh! You're with someone?" Parang napapahiya niyang tanong.
Duh? Obviously! Sumagot na nga!
Napairap akong muli. Hinawi ko ang aking buhok bago tinanaw ang labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/210354420-288-k168037.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste Of Vanquish | R-18
General Fiction18+ Arciaga Brothers Series #2: Cyprian Verneri Arciaga Amesha Arariel Andrade lived her life full of gold and jewels. Isang pitik lang ng daliri'y lahat ay kaya ng ibigay sa kanya. Pero ano nga ba ang hiling ng isang babaeng nakalatag na ang lahat...