Kabanata 11, Bad
Inabutan ako ng tuwalya ni Cyprian nang pinapasok niya ako sa isang kwarto mula sa hotel nila. Napairap ako bago dumiretso sa banyo para makapagbanlaw.
Sinarado niya ang pinto at tahimik na umupo sa kama. Hindi ko siya pinansin.
I don't get it. Hindi man lang siya nagsalita nung habang naglalakad kami. Hindi rin ako makapagtanong kung bakit. Lumilipad ang aking isip habang naliligo.
I mean, ano bang nangyari't bigla siyang naging mailap? Bumuntong hininga ako.
Pagkatapos kong magbanlaw ay agad na akong nagbihis. Nang buksan ko ang pinto'y buong akala ko'y umalis na siya ngunit nanatili siya roong nakaupo sa pwesto niya kanina.
Nakasuot siya ng itim na drop armhole top na pinaresan niya ng simpleng shorts. Hindi niya ako nilingon.
Hindi ko rin maintindihan kung anong nangyayari sa akin.
Bakit nga ba ako nagkakaganito?
Tinuyo ko ang aking buhok bago tahimik na pumwesto sa gilid ng lamesa.
"You didn't have to punch that guy." Mahinang sambit ko.
Hindi siya sumagot.
"Kaya ko naman iyon." Iling ko.
Narinig kong huminga siya nang malalim.
"He could've brought you some where isolated Riel and you expect me to be calm?" Madilim ang kanyang boses.
"Like you care?" Tumaas ang aking kilay.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"If you still want to roam around, I'll assign a person t—" bago pa niya mapatapos ang kanyang sasabihin ay agad na rin akong tumayo.
"Hindi ko kailangan ng guard!" Laban ko.
Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Padabog akong lumapit at tinulak ang kanyang dibdib kahit na hindi naman siya gumalaw halos.
"What the hell's wrong with you?"
Nag-iwas siya ng tingin. Kalaunan ay marahan niyang inalis ang aking kamay na nakahawak sa kanya.
Nakaramdam ako ng insulto kaya naman mas lalo ko siyang tinulak. Nag-init ang gilid ng aking mata ngunit kinurap ko iyon.
I'm being sensitive. Hindi ko alam. Naiinis ako!
"Wow so ngayon you don't want to be touched?" Wika ko. "Then you should've left me there kaya ko naman ang sarili ko. Kung ganito mo lang din ako tatratuhin, I don't need your help!"
Muli ko siyang tinulak ngunit ngayon ay ramdam ko ang kanyang panghihina. Mabilis ko siyang tinalikuran. Akmang kukunin ko na ang aking gamit ngunit binawi niya ang aking braso.
"I'm sorry..." mahinang sambit niya. Nagtama ang aming mga mata na halos magpalusaw ng kung ano sa aking loob.
Nagtiim bagang ako.
"I don't need your sorry. Alam ko namang ayaw mong magselos iyong babae mo." Sinubukan kong magpumiglas sa kanyang kapit ngunit hindi siya nagpatinag.
"She's not my..." dahan-dahang nanghina ang kanyang boses. Kalaunan ay mariin siyang pumikit. "Stop making me think that you're jealous."
Kumalabog ang aking puso ng muling magtama ang aming tingin.
Napatigil ako. "I-I'm not!"
Muli ko siyang tinulak ngunit siya lamang ang naglapit ng katawan niya sa akin. Napasinghap ako at nawalan ng lakas na itulak siya.
Tumama ang aking hita sa lamesa sanhi para manginig ang mga nasa ibabaw.
Nalaglag ang isang babasahing baso at may kung ano akong naalala. Tila ba'y nangyari na ito.
Namungay ang mga mata ni Vernon ng bumaba iyon sa aking labi.
Nanginig ang aking tuhod kaya naman napakapit ako sa lamesa upang hindi tuluyang bumagsak sa kanyang harapan.
Parang nangatog ang aking kalamnan at may kung anong nagsasabing isara ko ang aking mga talukap.
"I hate you..." buong akala ko'y magiging malakas iyon ngunit nagmistula itong bulong. Namungay ang kanyang mga matang halos magpalasing sa akin.
Ngunit bago pa man ako tuluyang mahulog sa pangyayari'y sabay kaming napalingon ng marinig ang pagbukas ng pinto at ang pagsilip ng mukha ng babaeng nalusaw ang ngiti aa natagpuan.
Mabilis akong napasinghap.
Hindi agad nakabawi si Vernon dahil hindi siya tuluyang umatras sa akin.
Nabasag ang lahat ng kung anong nasa isip ko kanina't napalitan ng inis. Fucking bull. Nadala ako roon! At ano sa tingin niya ang ginagawa niya?
Mabilis kong itong tinulak sanhi para mapaatras siya sa akin.
"I-I'm sorry, h-hindi ko alam na..." utal-utal na sambit ng babae ngunit hindi ko siya pinansin.
Dinampot ko ang aking mga gamit at mabilis na naglakad palabas.
"Riel..." dinig kong tawag ni Vernon ngunit hindi ko siya nilingon pa.
"I'm going home." Mariin kong sambit bago nagmamadaling tinahak ang lobby ng hotel kung saan ko napagpasiyahang maghintay.
Ngunit bago pa ako tuluyang makarating ay may muling humila sa akin.
Sa rahan ng hawak nito'y alam ko na kung sino!
"I'll take you home..." aniya. Kita ko ang pagod sa kanyang mata.
Parang nanlambot ako kahit na naiinis ako sa kanya. Kahit na gusto ko na lang siyang sampalin at sabihing nandito ako't nag-aabang na sabihin niya ang mga salitang iyon ngunit...
Mula sa kanyang likod ay ang pagsunod ng babae sanhi para masira ang kung anong pagsibol ng kung ano sa aking loob.
Hinatak ko ang aking braso sa huling pagkakataon at blangko siyang tinignan.
"I don't need you." Wika ko.
Kita ko ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mata ngunit tinaas ko ang aking pride at muling tumalikod.
Hindi ko na naramdaman ang pagsunod niya sa akin. Ang tangi ko lamang nadama ay ang pait. Bakit ka ba nagkakaganito Riel?
This is fucking bad.
![](https://img.wattpad.com/cover/210354420-288-k168037.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste Of Vanquish | R-18
Genel Kurgu18+ Arciaga Brothers Series #2: Cyprian Verneri Arciaga Amesha Arariel Andrade lived her life full of gold and jewels. Isang pitik lang ng daliri'y lahat ay kaya ng ibigay sa kanya. Pero ano nga ba ang hiling ng isang babaeng nakalatag na ang lahat...