Kabanata 14, Owe
Lumipas ang ilang Linggo. Hindi na kami nagkausap pa ni Anthon, ni-hindi ko na siya nakita ulit. Palapit nang palapit ang prom at mas lalong dumami ang announcement patungkol dito.
Kung nagtatanong kayo kung anong nangyari noong gabing iyon? Bumalik lamang ako sa loob at nagpaalam na uuwi na. Noong una'y ayaw pa ni Dad ngunit pumayag din kalaunan. Hindi ko na masyadong pinansin si Cyprian mula noon. Kinakausap ko lamang siya kapag kailangan.
Siya muli ang naghahatid sundo sa akin ngunit hindi gaya ng dati'y ako naman ang hindi namamansin.
Hindi ko nga ba alam kung bakit ako nagkaganito...
Bumuntong hininga ako bago muling pinasadahan ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Namumukhaan ko ito. Isang second year student. Hindi ko lang alam kung anong course.
Malaki ang ngiti niya. "So..." panimula niya. "Can you be my date..?"
Hilaw ang aking ngisi. Ang tanging pasasalamat ko na lamang ay walang masyadong tao. Siguro dahil may klase pa o umuwi na. Anong oras na rin...
Nandito kami sa tapat ng locker. Kalalagay ko lamang ng ilan kong gamit at bigla na lamang itong sumulpot.
Ayaw ko na ng ganito. Nang may nagtatanong sa ganitong paraan. I feel bad...
"Uhm..." nag-iisip kong sambit. Ano ba ang pinakamagandang paraang tumanggi?
Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako iniimbita, e mukha namang kaya niyang kumuha ng ibang babae.
Kita ko ang pagkasabik nito sa aking sagot. Pinisil ko ang aking daliri. Just say it Riel! Sasabihin mo lang namang hindi dahil... may...
"She already has a date." Naputol ang pag-iisip ko nang may nagsalita.
Mabilis akong napalingon.
Kalmante ang tindig ni Cyprian habang nakasandal sa tabi ng aking locker. Magulo ang kanyang buhok na mas nagpadepina ng kanyang perpektong panga. Tahimik niya akong tinitigan na nagpainit ng aking pisngi.
Nang ilipat niya iyon sa lalaki'y agad itong nagdilim.
Mas malaki at matangkad si Vernon kahit na mas matanda ang aming kinakausap.
"Oh..." bawi ng lalaki. Pilit akong ngumiti.
Gusto ko mang mag-alboroto pero hindi ko ginawa dahil paraan na rin ito para makatakas!
"Too bad..." aniya tila ba'y nadismaya. Napatingin ito muli kay Vernon at kahit hindi kami sobrang malapit sa isa't isa'y kita ko ang kanilang munting initan.
Kita ko ang mas lalong panlilisik ng mata ni Vernon habang tinititigan ito.
"I'm sorry, I know you'll find another girl..." matabang na pag-aalo ko at bahagyang lumapit upang maputol ang kanilang tinginan.
That sounds so cringey. Pero wala na sa isip ko dahil baka bigla na lang silang magsapakan!
Mabilis kong sinamaan ng tingin si Vernon ng makitang parang sa kanya nagsisimula.
"See you around then..." aniya ilang segundo. Hindi pa rin nililihis ang mata sa bagong dating.
Nakahinga naman ako nang maluwag.
Hindi niya na ako hinintay pang makasagot at nagmartsa palayo.
Nagkunwari akong hindi apektado bago inayos ang sarili. Akmang tatalikod na rin ako nang bigla siyang magsalita.
"You could've just told him you got me..." dinig ko ang kung anong inis sa kanyang boses.
Umangat ang kilay ko. Well, dapat nga ay iyon ang ipapalusot ko pero... well... good catch.
![](https://img.wattpad.com/cover/210354420-288-k168037.jpg)
BINABASA MO ANG
Taste Of Vanquish | R-18
Ficción General18+ Arciaga Brothers Series #2: Cyprian Verneri Arciaga Amesha Arariel Andrade lived her life full of gold and jewels. Isang pitik lang ng daliri'y lahat ay kaya ng ibigay sa kanya. Pero ano nga ba ang hiling ng isang babaeng nakalatag na ang lahat...