Kung pagmamasdan ang mundo sa loob ng pahina
Higit nating maiisip ang mga pagkakaiba
Ang pag-aalinlangan at pagdurusa
Na mismong panulat ay hindi maitinta
Ang pagtawid ng bawat titik sa pagitan ng mga bitak ng libro
Ang siyang tulay na bubuo sa mga pangungusap nito
Ang paglalahad ng Punto de Vistang hindi nalalaman ng iba
Mahiwaga sa kinasasabitan ng mga ala-ala
Ang tuwirang pagsisiwalat sa liwanag ng hinagpis
Sa pagkaupos ng tinta'y gagamitan ng lapis
Nakasabit ang magaang laylayan sa bingit ng paglaon
Na sa susunod na talata, bawat salita'y ibabaon
Ngunit ang pagdalo ng kalabuan sa pagitan ng pag-sulong at pag-alsa,
Magsisilbing lubid na hahawakan ng madla
Walang talukap ang mga mata
'Pagkat dilat ang humuhusga
Bigyan ng kapirasong papel na mamarkahan
Bigyan ng anino ang kaluluwang nais tumahan
Magkakamali't magbubura
Sa lilim ng blangkong pahina
Ang "Sa lilim ng Blangkong Pahina" ay naglalaman ng mga tula na sariling gawa ng may akda. Wala itong anumang masamang intensyon sa kasalukuyan. Palaging tandaan na saksi ang buwan sa mga gabing hindi mo maatim ang pagtahan.
-Ako si Luna
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poetry"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...