Pareho tayong tulog sa sinimulan nating tahanan
Parehong nakapahinga ang mga matang nakabantay sa maghapon,
Ang mga likod na nangalay sa pagtayo,
At ang mga pusong napagod sa pagbibigay ng matibay na pundasyon
Parehong nakahilig ang ating ulo sa balikat ng isa't-isa
Pareho nating niyayakap ang nilalamig na kaluluwa
Nang magising ka at sinabi mo sa aking iba ang iyong gusto,
Hindi ko iyon maintindihan
Ngunit dali-dali ka ring umalis noon sa lumang tahanan,
At siya ang iyong unang pinuntahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/271981487-288-k718654.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poesia"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...