01| Biglaan

136 4 0
                                    

Pasapit na ang dilim. 

Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa pisngi ng bawat dahong pumapatak sa lupa. Walang ibang masisilungan kundi ang punong pirming nakatindig sa gitna ng kaparangan. Walang ibang nakakaalam kundi ang nagbabadyang pagtangis ng langit. 

Sinungaling kung ituring ang mga yapak na tumatahak sa hindi malamang direksyon. Sinungaling ang puso na nag-utos patungo roon. Nagsimula nang pumatak ang maliliit na ulan ng katotohanan. Umiiwas na parang takot mahusgahan at hindi magustuhan. 


Ngunit Ikaw ang kidlat na dumating. 

Biglaan at walang pasabi. 


Sa pagkakataong takot at hindi mapakali, 

Napaamin nang bigla sa damdaming nakakubli.

Sa lilim ng Blangkong PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon