Siya ang lumang libro na palagi mong binabasa.
Palaging pinapalitan ng pabalat. Ingat na ingat na huwag madumihan, makalimutan at maiwanan.
At ako ang isang libro na hindi paborito ng lahat. Palaging nakatambak sa pinakasulok na bahagi ng silid-aklatan, palaging napag-iiwanan. Nang mawala ang paborito mong libro ay ako ang iyong natipuhan. Ako'y nagalak sapagkat sa unang pagkakataon, naramdaman kong may nais rin palang makabasa ng tinta ng mga salita sa buhay ko.
Ngunit may mga eksaktong salita, pangungusap at talata sa mismong pahina sa akin na nakikita mong kahalintulad ng sa kaniya. Dumaan ang panahon, ako'y patuloy mo pa ring binabasa ngunit sa paglipas ng bawat taon, mariin din akong sinasampal ng mga salitang nakabaon.
Sapagkat ang totoo,
Kahit ako na ang hawak mo,
Siya pa rin talaga ang paborito mong libro.
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poezie"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...