Hayaan mong lunurin ka ng mga luha nang makaahon ka sa sakit
'Pagkat ang paglubog sa dagat ay ang pag-ahon sa mga alon
Kahit ang pagpapaalam ng araw ay delubyo,
Makakamtan mo rin naman ang mga gabing walang panudyo
Kung saan ang pagtitig sa mga tala ay katumbas ng pag-amin sa mga pagkakasala
At ang pagtitig sa buwan, katumbas ng pag-amin sa nararamdaman
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poesie"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...