May taga sa dibdib ang buwan
At ang dugo nito'y umagos mula sa kaniyang tiyan patungo sa palad ng tala
Tumingin ang buwan sa mga maamong mata nito,
May pagkalito ngunit may pagkablangko
Sa pagitan ng limang segundong paglibot ng nararamdaman,
Nasakluban ang buong kalwakan ng pag-amin
Natahimik ang paligid, natahimik ang gabi
Tumingin muli ang buwan sa tala at sa pagkakataong ito'y nais na niyang mamaalam
Ngunit bago maglaho,
Nais niya ring marinig ang tinig sa likod ng mga paghikbi
Kumirot ang dibdib ng buwan sapagkat sa huling pagtingin niya sa mga mata ng tala,
Nagbabadya na ang mga luha nito,
At sa huling pagkakataon,
Doon niya napagtanto, mahalaga siya para rito.
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poetry"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...