Ikaw ang bawat bantas sa pagtapos ng pangungusap
Ikaw ang bahaghari sa pagtapos ng ulan
Ikaw ang ang premyo sa bawat larong mapapanalunan
Ikaw ang araw sa pagtapos ng gabi
Ikaw ang kinabukasan sa pagtapos ng maghapon
Ikaw ang silyang sasandalan sa pagtapos ng nakakapagod na gawain
Ikaw ang kumot na yayakapin,
Ang unan na iiyakan
At damit na isasaplot sa hubad na pagkatao
Ikaw ang tahanan,
Sapagkat sa'yo, ako'y tumatahan
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poesia"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...