Hindi mo kailangang saluhin ang mga patak ng ulan na namuo sa ulap
Hindi mo kailangang harangan ang pagtama ng sinag ng araw sa maamong balat
Hindi mo kailangang tawirin ang rumaragasang ilog ng damdamin
Sapagkat ang ulap, araw at ilog ang namili,
Na sa pagkakataong iyon, sila'y aamin.
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poetry"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...