Kung minsan, ayokong kumurap
Dahil baka hindi ko masilayan ang mga bubuyog na dumadapo sa mga bulaklak
Ayokong kumurap,
Dahil baka malampasan ko ang mga bawat halakhak
Ayokong kumurap,
Dahil baka malampasan ko ang paghampas ng mga alon
Ayokong kumurap,
Dahil baka malaglag agad ang mga dahon
Ayokong kumurap,
Dahil baka mawala agad ang bahaghari sa kalangitan
Ayokong kumurap,
Dahil baka makaalpas ang mga ibong humuhuni sa daan
Ayokong kumurap,
Dahil baka malampasan ko ang pagpatak ng mga ulan
Kung minsan, ayokong kumurap
Dahil baka sa sunod, ikaw naman ang lumisan.
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Puisi"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...