Hindi mo maamin ang iyong kahinaan.
Hindi mo maatim ang nakalaang hangganan.
Sa bingit ng paglaon,
Nangangati ang paglayo
Na hindi mahindian ng mga kukoAng espasyo ng mga salita,
Puwang ng damdaming mali at hindi maitama
Ang litanya ng iyong ngalan,
Ito'y panaginip, malayo sa katinuanHindi mo kailangang takbuhan ang liwanag ng buwan
Hindi mo kailangang habulin ang payaso ng kamatayan
Hindi mo kailangang talikuran
Ang minsang humarap sa iyo, dala ang kapayapaanHindi mo kailangang umiwas
'Pagkat hindi naman lalayo sa iyo ang lubid ng pag-asa
Na baka sa susunod, maaari na.
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poetry"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...