Hindi manhid ang mga tinta ng panulat na dumudugo sa mga papel
Hindi nito kayang magsinungaling kagaya ng mga lapis na kayang burahin ng pambura
Lahat ng pagkakamali ay malabong maitama
Kung maitama ma'y, madumi at may bahid pa rin
Hindi nito kayang magpanggap sa mga pangungusap
Hindi nito kayang sumalungat sa mga pahayag
Hindi nito kayang talunin ang mga puwang na pahina,
Sapagkat malalakdawan ang espasyo ng katotohanan
Ngunit kahit ganoon,
Hindi duwag ang mga panulat na ito
Sapagkat sila'y permanente
Na kaya nilang manindigan sa bawat pagkakamali at prinsipsyong kanilang ipinaglalaban
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Поэзия"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...