Nakiki-usap ang hangin
Na yumapos sa iyong mga palad
Na sa bawat pagdampi nito'y, magiging mainit ang mga yakapNang dumating ka'y napaiwas ako ng tingin
Nanlalamig ang kaluluwang sayo'y sabik at galit
Hindi mo ako nakita
Hindi mo inaasahang ako ay pupuntaPasimpleng dumadampi ang mga mata ko sa paligid
Nagbabakasakaling mahagilap nito ang malamlam mong mga mata
At sa gitna ng paglinga, ikaw ay nakita
Napako rin pala ang mga mata mo sa ibaPaalis na ako
Bitbit ang naiwang pagsamo sa'yoAt sa huling pagdampi ko ng aking mga mata sa paligid
Nasilayan kita at nasilayan mo ako, ngunit walang bakas ng paggunita at pakikiusap sa mga ito
BINABASA MO ANG
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Поэзия"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...