Hindi ko alam kung bumabagal ba ang mundo o talagang mabagal kami maglakad? Goodness gracious. I feel tensed because I can feel someone is staring at my back.
"Uy!" I snapped out and looked beside me. Salubong ang kilay na nakatingin sa akin si Chloe nang biglang may humarang na kamay sa ulo nito upang hindi mabungo sa poste.
"Careful," baritonong sabi ni Christian. Ito namang katabi ko eh kala mo'y kinumbulsyon na at halos maging kasing pula na ng mansanas ang mukha.
Inirapan ko si Chloe at bahagyang umuna sa paglalakad. Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa hall. Maraming mga estudyante ang narito upang lagyan iyon ng disenyo.
"Stay here for a bit. I'll just look for Miss Escoba," sabay sabay lang kaming tumango sa paalam ni Christian.
"Ay grabe! Ganda ng pakulo ng HUMSS ngayon ah. Bet ko. At saka bet ko din boys nila! Lumevel-up ah! Puro gwapo!!!" Impit na sabi sa akin ni Chloe habang niyuyugyog ang braso ko. Normal na yan sa kaniya pag kinikilig, niyuyugyog ang anumang mahawakan.
"Tumigil ka nga, pwede?" mahinahong tanong ko pero ramdam ang sarkasmo. Ngumuso lamang ito at hinila ako patungo sa entablado.
Napalingon ang sa likuran ngunit ang balak kong tingnan ay wala na roon.
"Tingnan mo oh! Nakatarp na sila ngayon. Aba! Aba! Lumalakas ang pondo nila ah!" napabuntong-hininga na lamang ako sa kalokohan ni Chloe.
Halos libutin na namin ang buong hall at halos wala nang pahinga ang bunganga ni Chloe.
Nagulat ako nang biglang magsalita si Christian sa likod ko.
"Everybody is looking for you two. Let's go," tumango ako sa kaniya at kinulbit si Chloe. Ngunit imbes na sumunod ay tinapik lang nito ang kamay ko. Sinapok ko sya and that's how she came to her senses.
Naabutan naming pabilog na nakaupo ang lahat ng estudyanteng narito. Hindi karamihan katulad ng naabutan naming nagdedekorasyon ng hall. Ang isip ko'y sa ibang strand galing ang mga ito. Umupo kami sa bakanteng espasyo.
"So, thank you for coming here. I know that this is inconvenient to--" hindi pa man natatapos ni Miss Escoba ang sasabihin ay pinutol na iyon ni Chloe.
"Naku, Miss! Hindi po talaga, as in!" magiliw na pag-apila nito na tinawanan naman ng lahat. Napailing na lamang ako.
"So, as I am saying, this may be inconvenient for you all especially those who came from other strands. We are counting on you. The marks of these HUMSS students are all in your hands in this activity," pagpapatuloy ng guro.
Nagsama-sama ang mga itinurong HUMSS students at nagtabi-tabi. Sa kasamaang palad ay si Kuya Stan pa ang aking nakatabi sa kaliwa at si Chloe sa kanan. Pinilit kong huwag magdikit ang balat namin ngunit huli na ito.
Tensed na nakinig ako sa sinasabi ni Miss Escoba ngunit hindi ko mapigilang palihim na sumulyap sa kaniya. Masyadong perpekto ang proporsyon ng mukha nito kung kaya't kahit ang patagilid nitong anggulo ay napakagandang pagmasdan.
"So... go with your pairs and have a small talk," nabalik ako sa realidad nang magsitayuan ang mga kasama ko.
Lumapit sa akin si Gerald habang hinihimas ang batok.
"Ed, ahhmm. I'm sorry if hindi man lamang kita kinausap tungkol dito but I know that you will do well and I trust you," paunang sabi nito sa akin. Tumango lamang ako at ngumiti.
"So, what's the plan?" tanong ko rito.
"Game. Just a random games that will involve our audiences," he answered. I nod at him.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Random"Love is like how you play with fire. One wrong move, you'll be hurt in any minute."