We woke up early than usual. Lahat kami ay nakabantay sa paglabas ni Christian sa kwarto. We're just being curious about what's happening on our school president.
"Why don't we just wait for him in the kitchen? We looked like fucking hidden camera here!" Pasigaw na bulong ni Carl sa amin ni Chloe.
"Why don't you just shut up? This old hag," ingos naman ni Chloe.
Tumayo na ako ng tuwid at hinarap sila.
"Mauna na kayo don. Gigisingin ko nalang si Christian," pagtatapos ko ng kabaliwan namin. Baka kasi mag-away pa itong dalawang ito at baka humilata din sa kwarto eh may pasok pa kami ngayon.
"Oh, thank God! This madness is over!" Carl exclaimed while looking at the ceiling with fingers tightly intertwined. Umirap lang sa kapatid si Chloe at nanguna na sa kusina.
Nagtungo ako sa kwarto ni Carl at marahang kinatok iyon. Walang sumagot kaya dahan-dahan kong binuksan iyon. Nang makapasok ay nakita ko ang nahihimbing na si Christian. Kita pa rin ang mga pasa nito sa mukha.
Bahagya kong niyugyog ang balikat nito. "Christian," panggigising ko rito.
Gumalaw ito at akala ko'y gising na ngunit bumaling ito sa kabila at nahimbing ulit. Tinapik ko ito sa mukha at nagulat ako nang bigla itong bumangon at dumaing.
"Ay, sorry. Ginigising kasi--"
"Edvon? Nasan ako? Bahay nyo? Nakakahiya!" aligagang tanong ni Christian sa akin bago bigla na lamang tumayo. Ayon, ngayon ay dumadaing ito sa sakit. Tinulungan ko itong tumayo at iniupo sa kama.
"Nakita ka namin sa gate ni Chloe kagabi. Puno ka ng pasa at dugo. Ano bang nangyari sayo?" pagpapakatotoo ko. Kating-kati na kasi akong itanong kung ano ang nagyari.
"Ah.Si Stan--" bigla itong napatigil na parang may naalala. "..una na pala ako. Lunes nga pala ngayon," sabi na lamang nito at pwersahang tumayo. Hinawakan ko ito sa braso upang umalalay. NapTingin ito sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin.
"Dito ka na lang kumain ng agahan at mayroong uniform dyan si Carl. Pwede mong gamitin para hindi ka na umuwi at malate," sabi ko habang naglalakad kami.
"Carl? I thought you don't have any brother?" nagtatakang tanong ni Christian.
"Kuya ni Chloe. We are in Chloe's house. Didn't you know?" sabi ko rito saka ito tiningnan. Mukha siyang walang alam sa nangyari.
"Oh? Maybe, I'm just so drunk last night, " naiilang na sabi nito.
Bakit pakiramdam ko ay may iniiwasan kang malaman ko?
"Christian," seryosong tawag ko rito at itinigil ang paglakad ko. Napatigil din ito at humarap sa akin. "You are not drunk last night. You were knocked out because you were exhausted. Chloe's family doctor checked you up," paliwanag ko rito.
He looked uneasy now. Sabi na eh! He's hiding something!
"That is--"
Pinutol ko ang akmang sasabihin nito sa pamamagitan ng pagtaas ng palad. "I don't want to interfere. It's up to you if you'll shre it or not,"
"Now, it makes sense," nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Titig na titig ito sa akin na parang nakikita nito ang kaluluwa ko. Hindi yung malaswang titig kundi malalim, parang umaanalisa.
"Let's go. They're waiting," pag-aya ko na lang rito saka muli itong inalalayan papuntang kusina.
"Chloe, upuan," bungad ko. Napatingin naman sa amin si Chloe at dali-daling tumayo para ipaghila ng upuan si Christian.
Talandi talaga!
Umupo na rin ako. Nahihiyang tumingin sa dalawa si Christian bago nagbow. "I'm Christian John Francisco," pagpapakilala ni Christian bago inilahad ang kamay kay Chloe. Akala mo'y kiti-kiti namang tinanggap ni Chloe iyon at nakangiting tumatango-tango pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/234152085-288-k139414.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
عشوائي"Love is like how you play with fire. One wrong move, you'll be hurt in any minute."