"D'yan na lang sa tabi,"sabi ko nang mamataan si Chloe na loob ng 7/11. I can see her sitting on a single chair while looking at her phone."Ha? Bat dito?"takang tanong ni Hannah saka iniikot ang tingin sa labas. Kanina kasi ay busy lang sya sa pagtingin ng kung ano sa cellphone nya.
"Yun,"sabi ko sabay nguso sa pwesto ni Chloe. Agad umurong ang nguso ko nang makitang nakatingin sa akin si Kuya Stan sa rear mirror.
"Ahh. Oh sya, text ka na lang kung magpapasundo ka,"sabi nito bago ako lumabas ng kotse. Tinanguan ko ito at kinawayan nang kumaway ito sa akin.
Inintay ko muna silang makaalis bago tumungo kay Chloe. Bagot na mukha agad ni Chloe ang sumalubong sakin.
"Nako naman, be! Ba't di mo naman sinabi na aabutin ka pala ng siyam-siyam bago makarating! Edi sana hindi ako nagmadali!"bungad ni Chloe ng makaupo ako sa tapat nya. Inirapan ko naman ito.
"Sino ba kasing may sabi sayong magmadali ka? Sa pagkakatanda ko kasi'y wala naman akong nabanggit,"sabi ko saka inilagay ang dalawang daliri sa baba na parang nag-iisip.
"Ih! Basta, naiinis ako!"sabi ni Chloe nang mapagtantong tama ako.
HAHAHAHAHA! Minsan boba din to eh!
"Anong trip mo ngayon at nag-aya ka?"tanong bigla ni Chloe saka sumimsim sa kung anong iniinom nya.
"Wala lang. Painom nga,"sabi ko na lang saka kinuha ang basong hawak nya at walang tinginang uminom.
"Lah, oh! Parang tanga! Di man lang nagpaalam,"nanlalaking matang sabi sa akin ni Chloe nang mahablot ko na ang inumin. Nagsalubong ang kilay ko.
"Oyy! Nagpaalam ako! Di ko lang alam kung bingi ka o bobo,"sabi ko saka ibinalik sa kanya ang inumin.
"Ewan ko daw---"naputol ang akmang sasabihin nito nang may biglang tumunog. Agad namang kinalkal ni Chloe ang sling bag na nakapatong sa lamesa.
Pinanood ko lang si Chloe habang nagtitingin ng kung ano sa cellphone. Malaki ang ngiting tumingin sa akin si Chloe bago isilid ang cellphone sa kanyang bag.
"Oh, ano na naman yang ngiting yan?"nababagot na sabi ko kay Chloe. Yung mga gantong ngiti ni Chloe yung pinakaayaw ko eh, nagmumukha syang baliw.
Kahit anong ganda nito, nagmumukhang tanga din minsan eh!
"Nag-aya si Matt, sa Kalaayan daw tayo,"taas-babang kilay na sabi nito, suot ang napakalawak na ngiti.
"Gagawin natin dyan sa Kalayaan? Tanong mo nga. Pag yan boring, masasapak ko si Matt,"salubong ang kilay na sabi ko.
Kadalasan kasi, kapag nag-aaya si Matt ay napupunta lang sa wala! Puro dada lang ang nagagawa! Susko!
"Teka, tanong ko, ah! Hiyang-hiya naman sayo, mahal na reyna!"masungit na anito saka ako inirapan. Aba!
Kinuha muli nito ang cellphone at nagtititipa. Habang ako nama'y bagot na naghihintay dito.
"Tara na,"nangunot ang noo ko nang tumayo ito at isinukbit ang sling bag sa balikat nito.
Akmang tatayo na din ako nang maisip ang isang bagay na wala ako. Nanlalaking matang hinanap ko ang purse ko at lalo pang nanlaki nang maisip na baka naiwan ko 'yon sa kotse kanina.
"Ano na, be? Sisa ka na ngayon? Baliw-baliwan?"pamimilosopo ni Chloe. Inis na binalingan ko naman at padabog na tinungo ang kinaroroonan nito.
Napapikit ako nang mariin nang makaramdam ng konting hapdi sa ibaba. Anak ka ng tinapa! Pasakit pala ang balik pagkatapos ng sarap!
![](https://img.wattpad.com/cover/234152085-288-k139414.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Random"Love is like how you play with fire. One wrong move, you'll be hurt in any minute."