"Huy, Chloe! Baka gusto mo nang gumising dyan! Malate ka pa nyan!" panggigising ko kay Chloe na tulog na tulog na kala mo'y pagod na pagod.
"Ano ba... Gusto ko pang matulog," ungot ni Chloe habang nakapikit. Bumaling sya sa kanan at natulog na ulit.
Aba't!
"HOY! CHLOE ALTHEA FAJARDO! GUMISING-GISING KA DYAN AH!"sigaw ko habang nakapameyawang.
Naiinis na nagkamot ng ulo si Chloe at bumangon. Tiningnan nya ako ng may namumungay na mata. She tilted her head as she scanned my whole body.
"Ba't ka nakaganyan?"naguguluhang tanong sa akin ni Chloe.
I just finished taking a bath and now, I'm wearing a robe.
"Anong bakit nakaganyan? Nananaginip ka pa ba?" magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya. She gently pinched herself and groaned.
"Alam mo, para kang tanga. Sige na, maligo ka na dun!" dagdag ko na lang at itinuro ang banyo.
"Ha? San tayo pupunta?" naguguluhang tanong niya.
Anyayare ba sa babaeng ito?
"Edi sa school! San pa ba?!"bulyaw ko para magising sa katotohanan! Nakakairita ang pagiging lutang nito!
"Sige, ikaw na lang," sabi niya saka muling humiga!! What the? Sira ba to?!
Napapailing na lumapit ako sa mini drawer nang makita kong nakapatong doon ang lotion ko. Bago ko pa man makuha ang lotion ay umilaw ang cellphone ko.
Kinuha ko ito at binuksan ang message. Agad akong napabaling kay Chloe nang mabasa ko ang message! Kaya naman pala malakas ang loob! Wala palang pasok ngayon!
' A good day, Ms. Gawton. We want to personally inform you that there's no classes on Wednesday and Thursday. Thank you.'
Talaga ka naaaammaaaan! Kung kelan nakaligo na ako't lahat! Anong klaseng kaibigan ka, Chloeeeeee?!!!!!!!!
This is one of what I hated the most in our school, particularly, in Senior High Department. WE DON'T HAVE A FUCKING ORGANIZED AND PERMANENT SCHEDULE! Saka lang nila sasabihin kung may pasok o wala sa araw na iyon, kung absent ka at wala kang consent...MALAS MO! Papasok ka sa school ng walang kaalam-alam at babalik sa bahay ng may sama ng loob dahil wala palang pasok!
Hindi talaga sila nagsesend ng message sa mga estudyante personally. Dun lang talaga sila nagsesend sa mga estudyanteng nagka-emergency o may consent.
Imbes na gisingin pa si Chloe ay nagpasya nalang akong magjogging since it's just five-thirthy in the morning.
I am wearing my black sports bra paired with my black Adidas jogging pants and a simple running shoes. I stamped a note in the bathroom's door before I completely got out of the room.
Nakalabas ako ng bahay at nagsimula nang magjogging. Halos nalibot ko ang buong lugar namin dahil lang sa pagjojogging. Nakarating din ako sa park na madalas naming tinatambayan ni Chloe. Ilang minuto akong nagtagal don at napagpasyahang bumalik.
Nakarating ako sa kanto ng village at akmang liliko na nang maaninagan ko si Gerald na papalapit.
"Oh, Gerald!" nakangiting bati ko. Nagugulat naman ako nitong tiningnan. Really?
Anong nakakagulat eh halos magkalapit lang naman ang village namin at ang sa kanila?
"A-ah, E-ed! I-ikaw pala," nahihiyang bati nito habang nakatingin sa baba at hinahaplos ang batok.
Sinuyod ko ang kabuuan nito. He's wearing a plain white shirt and grey jogging pants. May hawak din syang mineral sa kanang kamay. Nice!
"A-ah, t-tubig?" nauutal na tanong nito nang mapansing doon ako nakatingin. Nakangiting umiling lang ako.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
De Todo"Love is like how you play with fire. One wrong move, you'll be hurt in any minute."