KABANATA 1

78 3 0
                                    

"San ba tayo pupunta?"tanong ko kay Kuya Stan. Narito ako at pilit pinipigilan si Kuya Stan. Hinihila kasi ako nito at hindi ko alam kung saan kami patungo

"Basta. I just need you."nagulat ako sa sinabi nito.

"H-ha? W-wait nga!"sabi ko at pilit kumawala sa hawak nito. Napagtagumpayan ko naman ito. Rinig ko ang pagdaing nito kaya agad kong dinulahan ito kahit naguguluhan pa rin sa ikinikilos nito.

"Ano bang nangyayari sayo Kuya Stan?"nagtatakang sabi ko. Hindi ko kasi maipaliwanag ang hitsura nya. Mukha syang nasasaktan na parang lasing pa!

"Just please! Come with me!"pilit na sabi nito saka hinila ako muli.

"San ba kasi tayo pupunta, Kuya Stan?"sabi ko saka pumasok sa loob ng kotse nang makarating kami sa kotse nya. Umikot ito at pumunta sa driver seat.

Minaniobra nito ang kotse saka mabilis na pinatakbo. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nadarama ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa mabilis ang takbo namin o dahil kay Kuya Stan.

"K-kuya, dahan-dahan lang."halos pabulong ko nang sabi. Napapikit naman ito ng mariin saka minulat ulit at tumingin sa kalsada.

"Fuck! Stella!"mariing sabi nito.

Mabilis na nakarating kami sa kung saan. Mabilis na natanggal niya ang kanyang seatbelt saka lumabas. Pinagbuksan nya ako ng pinto at sya na rin ang nagtanggal ng seatbelt ko.

Hinawakan ako nito sa pulso at hinila. Saka ko lamang nakita ang ang lugar nang makapasok kami sa loob.

"Kuya, bakit tayo nandito?"tanong ko habang nagpapadala sa hila nito. Wala naman akong nakuhang sagot dito.

Tumigil kami nang tumapat kami sa isang elevator. Pinindot ni Kuya Stan ang pataas na arrow ng paulit-ulit. Bakas ang inis at pagpipigil sa mukha nito.

Binalewala ko na lang ito dahil baka wala lang talaga sya sa mood. Siguro'y nag-away na naman sila at gusto nya ng kausap.

Bumukas ang elevator at hinintay naming makalabas ang mga laman nito. Dali-daling pumasok si Kuya Stan na ikinataka ko. Kanina ko pa sya napapansin na parang nagmamadali sya. Sumunod ako at pumasok.

Pansin ko ang pagpikit-pikit nito at paglabas ng mga ugat nito. Kita ko ring unti-unting kumukuyom ang kamao nito na lalong nagpausbong sa mga ugat niya.

Tumunog ang elevator saka bumukas. Lumabas kami at nangunang maglakad si Kuya Stan. Tumigil ito sa isang pinto at tumapat.

Inis nitong nabitawan ang doorknob nang matunugang nakakandado ito. Bumaba ang tingin ko sa kanyang pantalon nang may kapain sya sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mata ko kung gaano kasikip ang pants nya sa kanya.

Nang mabuksan nya ito at palinga-linga itong tumingin sa kaliwa't kanan saka ako hinila paloob. Nagulat ako kaya't nagpadala na lamang ako.

Pagkasarado palang ng pinto ay nagulat ako nang may malambot na bagay akong nadama sa aking labi. Nanlalaki ang matang tiningnan ko si Kuya Stan na ngayon ay nakapikit na tila dinadama ang paglalapat ng labi namin.

Unti-unting gumagalaw ang labi nito at hindi ko ito masabayan. Akmang puputulin ko na ito nang bigla ako nitong ipako sa pinto. Hindi ako nasaktan sapagkat agad niyang naipulupot sa likod ko ang kaniyang matipunong braso. Rinig ko ang tunog ng pagkandado.

Pilit ko siyang itinutulak at pinapalayo.

"K-ku---"di ko pa man natatapos ang sasabihin ay nasunggaban na naman ako nito ng mapusok na halik.

Hindi ko maipagkakailang nadadala na ako. Naliliyo ako sa bawat galaw at halik ng kanyang labi. Unti-unting umuusbong ang nagliliyab na init sa katawan ko. Dahan-dahan akong napapikit at nilasap ang bawat galaw nito.

Playing With Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon