Kabanata 8

37 4 0
                                    

It's been a week since that crazy scene happened. Nalaman ko na hindi anak ni Kuya Stan si Marco. Nasanay lang daw ang bata na tawagin siyang 'Papa' dahil siya ang unang nakita n'on simula nang iwan siya ng mga magulang.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinasabi niya. At sa bawat araw na lumilipas ay lalo niya akong binabaliw!

"You and I will be together. Cuddling while kissing each other."

"You're the one that I want to hold as my hair turn white."

Bawat araw ay nadadagdagan ang mga pinanghahawakan ko kasabay ng pagyabong ng nararamdaman ko sa kaniya. Para syang apoy na unti-unti akong tinutupok.

Isang araw ay maaga akong gumising at nag-ayos para sa pagpasok sa school. Sa anong dahilan? Hindi ko alam. Si Manang lang ang gising nang bumaba ako kaya sa kanya na lamang ako nagpaalam.

"Ingat, Iha," bilin ni Manang. Ngumiti ako at tumango saka tinanggap ang sandwich na inilahad nya sa akin.

Tumalikod na ako at naabutan si Mang Kaloy na nagkakape sa labas. Nakasandal siya sa kotse habang hawak-hawak ang tasa.

"Pwede na po bang magpahatid, Mang Kaloy?" nakangiting salubong ko. Kita ko ang bahagyang pangangarag ni Mang Kaloy, nagulat ata at napaso.

"Ay, naku! Mam, pasok po!" gulat na sabi ni Mang Kaloy na akmang pagbubuksan pa ako pero naunahan ko na.

"Ubusin niyo po muna yan. Maaga pa naman po," saad ko bago tuluyang pumasok sa kotse.

Ang gaan ng pakiramdam ko. I just feel the positive vibe. I hope that it won't be reciprocated by sadness.

Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na din sa kotse si Mang Kaloy. Nakarating kami sa school na may mangilan-ngilang estudyante na ang nasa loob.

Habang naglalakad ay naalala ko na naman ang nangyari noong isang linggo. Hindi ako makapaniwalang sasabihin 'yon sa akin ni Kuya Stan. Masyadong naokupa ang isip ko n'on kaya hanggang sa makauwi noon ay wala ako sa sarili.

"Uy, Ed!" halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sakin.

"Nagulat ba kita? Hehe," sabi ni Gerald saka sumabay sa akin sa paglalakad.

"Hindi naman masyado." sagot ko saka mabilis na sinulyapan si Gerald. He's smiling widely, I wonder why?

" 'Yon nga palang performance na sinabi ko sayo, ini-adjust. Sa Tuesday na daw,"

Today is Friday. Medyo nagfofocus na ako sa pag-aaral since malapit na ang midterms.

Shookt! Nakalimutan ko yon ah!  Bat sobra ang adjustment? This week 'yon diba?

"Ano nga palang gagawin ko don?" sabi ko saka lumiko dahil plano kong dumaan sa library para manghiram ng libro.

Maaga pa naman..

" Actually, you will be my partner. Pero to be honest, kailangan ko talaga ng taong aalalay sakin eh," nahihiyang saad ni Gerald habang nagkakamot ng ulo.

Tumango-tango na lang ako at agad na ibinigay sa librarian ang library card ko. Ramdam ko ang pagsunod ni Gerald sa akin. Dumiretso ako sa kulay white na bookshelf.

Well, we have 'color coding' in every subjects here in library. Magkakahalo pero organized. White shelves are consisting of science books, all about science. Blue for Math, Brown for Lits and many more. Nagiging organized siya kasi mula lower to higher years ang patas noon. So, in my case, nasa dulong parte ang akin.

Kinuha ko ang librong physics saka hinanap si Gerald. Napalayo din kasi ako dahil hindi madaling hanapin ang libro, may kanipisan.

Nasan na yon?

Playing With Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon