Kabanata 4

37 4 0
                                    

Pagkahatid ko kay Kenneth ay nagtungo ako sa Cafeteria at hindi sinasadyang makita si Hannah at Kuya Stan. Ang table nila ay makikita kaagad sa bungad ng pinto. Hindi nila ata ako napansin dahil parehas silang nakatalikod sa pinto.
Nakatungong nagpatuloy ako sa pagpasok para di nila mahalata.

Ang akala ko ay makakatapos ako at makakalabas ng matiwasay dito nang hindi nila napapansin pero nagkamali ako! Ramdam ko ang paglingon nilang dalawa sa akin.

"BEEEEEEEE!!!! DITO, BE!"

Napapikit ako ng mariin bago nilingon si Chloe na abot tenga ang ngiti kasama si.. Gerald? Anong? Bakit?

Naglakad ako patungo sa kanila nang walang nililingon na kahit sino. Nang makarating ako ay biglang tumayo si Gerald para ipaghila ako ng upuan.

"Salamat,"nakangiting aniko saka marahang tumungo. Tumungo rin ito at sinuklian ako ng ngiti.

"Ano, be? Masaya sa Detention?"nang-aasar na tanong sakin ni Chloe. Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Kung hindi ka naman bobo at kalahati kanina, edi sana di ako mapapapunta don! Isa ka din eh," bulyaw ko kay Chloe.

"Ikaw naman kasi..."nakangusong sagot sa akin nito. Anong ako? Aba't!!!!

"At ako pa ang sisisihin mo sa kabobohan mo? Chloe naman! Ewan ko sayo!" aniko. Sasagot pa sana siya pero nilakhan ko na siya ng mata kaya't lalong humaba ang nguso nito.

Napabaling ako kay Gerald nang tumawa ito.

"Bakit?"inosenteng tanong ko kasi wala akong nakitang nakakatawa.

"Nothing. Ang cute nyo lang kasi,"nahihiyang sagot nito at gaya ng nakasanayan niyang gawi...kinakamot niya na naman ang batok niya.

"Ba't ka nga pala nandito?" tanong ko.

"Ahh...Yung request ko na sabi ko sayo," sagot nito.

"Be, bili na kita ng pagkain ah,"pagsingit ni Chloe saka tumayo na't hindi na hinintay ang sagot ko.

"Ano nga pala yon?"baling ko kay Gerald.

"Ano kasi eh..."

"Ano?"

"Pwede bang ikaw ang gawin kong guest?"nahihiyang nag-angat ito sa akin ng tingin.

"Guest saan?"naguguluhang tanong ko.

"Ah, dun sa gagawin naming performance next week. Wala kasi akong maisip na ibang tao eh,"sagot nito sakin.

"Gano'n? Kelan daw ba yon?"sabi ko saka nilingon ang pwesto ni Chloe. Gutom na ako!

"Sa--" naputol ang akmang sasabihin ni Gerald nang magring ang bell. Anak ka ng?!!! Wala pa akong nakakain!!!

"Sorry, Edvon. Mamaya ko na lang siguro sasagutin ah. Bawal kasi kaming malate sa klase eh,"paumanhin ni Gerald bago tumayo kaya't tumango na lang ako at saka ito umalis.

Nakahalumbabang pinapanood ko lang si Chloe na papalapit sa pwesto ko nang may biglang naglapag ng sandwich sa harap ko. Binalingan ko naman iyon at nakitang si Kuya Stan iyon.

"Kainin mo na,"mababang tonong sabi nito saka tuluyang binitawan ang sandwich. Gutom ako pero ayaw kong tanggapin iyon sa hindi malamang dahilan.

"Be, tara na!"pag-aaya sakin ni Chloe nang makalapit ito sa pwesto namin. Tumayo ako at akmang aalis na sa pagkakaupo nang magsalita si Kuya Stan.

"You can go, Ms. Fajardo."sabi nito.

Nilingon naman ako ni Chloe kaya tumango na lang ako. Sinundan ko pa ang papalayong imahe ni Chloe bago umupo muli.

Playing With Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon