Maaga akong nagising kinabukasan. I did my morning exercise and started cleaning my room. I just felt that I really need to clean it even though it looks clean.
Hanggang ngayon ay naglilinis pa rin ako. Mula sahig hanggang ceiling. I opened my closet and shrug when I see some clothes were in a mess. Parang kinalog ang closet ko at nagkagulo ang patas ng mga damit ko!
Sasabunutan ko talaga si Chloe!
Paulit-ulit na sinasabi ko 'yon sa utak habang inaayos ang pagkakatupi ng damit ko. Nangingiting tiningnan ko ang closet ko nang matapos ako.
"Iha, anak, kain ka na muna. Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga." I looked at the clock. Two hours na pala akong naglilinis.
"Sige po, Manang! Pababa na!"sigaw ko.
Bago ako bumaba ay pinasadahan ko muna ng tingin ang buong kwarto saka napangiti nang makontento ako sa linis n'on.
Naabutan ko sina Marita na kumakain sa lamesa nang makababa ako. Lahat sila'y nagulat at akmang tatayo na nang senyasan ko sila na wag nang mag-abala pa. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at inintay ang ihahain ni Manang.
"Ay! Marita, kita nyo namang kakain si Edvon eh hindi pa kayo nagsisikilos!" sabi ni Manang habang inaayos ang pagkain.
"Ah---"
"Okay lang, Manang. Sige lang, kain pa kayo." sabi ko saka dinaluhan silang kumain.
Matapos kumain ay tumaas na ako saka naligo at nagbihis. Hindi pa man ako nakakapagblower ng buhok ay nag-ring na kagad ang cellphone ko.
"What?" bungad ko nang walang tinginang sinagot ito.
[Grabe sa what ah! Kala mo hindi pangkanto ang ugali! Wag ako, Edvon Stellary Gawton!] awtomatikong napairap ako.
Ang laki siguro ng inggit niya sa pangalan ko. Lagi nya na lang binabanggit eh. Sabagay! Napakaganda ng pangalan ko.
"Ano ngang meron at napatawag ka?" tanong ko habang tinituyo ang buhok ko.
[Anong 'anong meron'? Abat! Di ba'y sabi ko na gagala tayo?! Mukhang kung hindi pa ako tumawag eh walang mangyayare?!] bulyaw ni Chloe mula sa kabilang linya.
"Makasigaw ka naman! Nag-aayos na nga ako dito tapos abala ka!" sigaw ko pabalik.
[Gano'n? Abala? Hala, sige! Wag ka na lang sumama!]
"O, sige. Okay lang naman sakin," pagpayag ko dahil alam ko namang isasama at isasama nya pa rin ako sa huli.
[Talaga! Hindi talaga!] pagmamatigas nya.
"Kaya nga. Patayin ko na ah? May gagawin pa kasi ako," sabi ko habang nakangisi. Well, I know what will happen next...
[Wag na! Sumama ka na! Kinokonsensya mo pa ako ah! Sarap mong sabunutan!]
"Hindi naman kita kinokonsensya," sabi ko saka ngiting tagumpay na tiningnan ang repleksyon sa salamin, "...hindi mo lang talaga kayang wala kang kasamang magandang ibabalandra sa madla."natatawang dugtong ko.
Bago pa man sya makaangal ay pinatay ko na ang tawag. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ko sa sarili. Saktong pagtapos ko sa ginagawa ay may narinig na akong busina kaya bumaba na ako sa pag-aakalang sina Chloe na iyon.
Ngunit sa paglabas ko ay si Kuya Stan at Hannah ang naabutan ko. They are both their uniforms. Same school. Different department. Hannah is a medical student while Kuya Stan is a future engineer.
They looked at me puzzled.
"Sa'n ka pupunta?" si Hannah na ang nagtanong.
"Nag-aya si Chloe eh." sagot ko saka kinuha ang cellphone ko para i-text si Chloe na sunduin ako.
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Random"Love is like how you play with fire. One wrong move, you'll be hurt in any minute."