Prologue

6.5K 67 5
                                    

The prophecy will be spoken.

They will have another war

That every creature never dreamed to witness.

But what if the one that they never imagine to saved them will come back after a long time?

But that ONE is unknown.

Will they recognize his/her presence?

Or will they keep treating his/her as a normal creature?

Third Person's POV

Sa isang kakaibang mundo na hindi pa nararating ng mortal na nilalang. Kundi ang mga naririto at naninirahan ay mga nilalang na may natatanging abilidad at kapangyarihan na hindi basta basta matutumbasan ng isang pangkaraniwang nilalang.

Sa isang palasyo

"Mahal na Reyna, Mahal na Hari magkakaroon daw po ng pagpupulong ang konseho at iba pang matataas na nilalang dito sa ating kaharian at ang konseho po ang nagtakda nito mamaya rin pong hapunan" ulat ng isang pinagkakatiwalaang heneral ng palasyo sa Reyna at Hari.

Napatingin ang Hari at Reyna dahil sa tinuran nito na para bang may nasabi itong mali.

Agad naman na nagsalita ang Hari.

"Ano ang ibig nilang sabihin? Bakit ngaun lamang ito nangyari sa mahabang panahon na hindi namin alam ang tungkol sa pagpupulong na ito?" May halong pagtataka ang tono ng hari kaya madaliang nagsalita ang heneral.

"Hindi ko rin po batid mahal na Hari ang lahat ngunit mahigpit pong ipinagbilin na naroroon daw po ang lahat." Iyon na lamang ang nasabi ng kawal at agad na humingi ng pahintulot upang umalis.

"Makakaalis ka na" agarang sagot ng Reyna at pagkaalis na pagkaalis nito ay napa harap ang Reyna sa Hari na nagtataka rin.

"Mahal ko! Bakit hindi natin alam ang tungkol rito? Maaaring hindi ito maganda para sa atin"

"Maaari, mahal ko! Ngunit kailangan nating makasiguro"

Sa oras ng hapunan ay nakatipon na ang lahat sa hapagkainan at napakaraming inihandang pagkain ang palasyo para sa mga bisita na nagmula pa sa ibang kaharian.

Hindi pa rin maaalis sa dalawang makapangyarihan na namumuno ang pagtataka gayon na rin ang kaba.

"Maaari ko na bang simulan ang ating pagpupulong?" Nakayukong saad ng pinakamataas sa konseho.

Nag aalangan man ay tumango na lamang ang Hari at Reyna na silang hinihintay upang masimulan na ang pag uusapan.

"Batid naman ninyo sigurong lahat ang tinatawag na tagapagmana ng kahariang ito,Hindi lamang pala kahariang ito ngunit ng buong mundong ito na matagal ng nawawala. At walang kasiguraduhan ang kaniyang pagbabalik. Bagamat may anak na isa pa ang Hari at Reyna ay hindi naman ito ang tagapagmana ay wala rin itong karapatang mamuno dahil ang panganay na anak lamang ng Mahal na Hari at Reyna ang may karapatan."

Bakas ang pagmamayabang sa tono nito at waring gustong gusto pa ang nagaganap.

"Kaya't sa oras ng pagbilog ng pinakamalaking buwan at hindi pa natatagpuan ang tagapagmana ay wala tayong magagawa kundi ang palitan ang Hari at Reyna ng kasunod na mataas na pamilya na mayroon ng maaaring tagapagmana. Malinaw ang lahat ng ito. Tinatapos ko na ang pagpupulong na ito."

Hindi man lamang binigyan ng kalayaan na makapagsalita ang Hari at Reyna ng kahariang dahil sa walang galang at bastos na konseho ng kaharian. Hindi nila ito masisisi dahil ito ang nakasaad sa kautusan ng mundong iyon.

"Mahal ko! Paano kung hindi na bumalik sa atin ang ating anak? Alam mo naman ang mangyayari kung sakali. Mamumuno ang masama ang ugali na iyong kapatid!" Naluluhang sambit ng Reyna

"Huwag kang mag alala dahil bukas na bukas rin ay magpapadala ako ng ilang makapangyarihan na nilalang mula sa akademya upang humanap ng mga may dugong fantastica sa mundo ng mga tao upang mapag aral sa fantastic academy upang mahasa at magbaka sakali na maisama ang ating anak. Alam mo naman na hindi natin basta basta malalaman kung sino ba talaga ang ating anak dahil batid din nating hindi pa niya alam ang kaniyang kapangyarihan upang ating malaman kung siya na ba ito. Kaya't kailangan natin paghasain muna ang kaniyang kakayahan kung sakali mang makasama siya sa madadala rito. Kung siya man ay nasa mundo pa ng mga tao o kung nandito naman na siya ay kailangan na lamang niyang mabuhay ang kaniyang kapangyarihan." Mahabang saad Ng hari.

"Sana nga mahal ko!" Agad na yumakap ang Reyna sa Hari dahil na rin sa labis na pagkalungkot at pananabik sa kanilang anak.

Nagulat naman ang dalawa ng pumasok ang kanilang isang anak.

"Ina, Ama!"

Napangiti ang dalawa dahil nakita nila ang kanilang bunsong anak.

"Ano ang kailangan nang aming bunsong anak?"

Lingid sa kanilang paningin ay nawala ang sigla sa prinsesa dahil sa sinabi nito. At lingid din sa kanilang nalalaman ay labis na kinagagalitan niya ang kaniyang panganay na kapatid o ang tagapagmana dahil sa inggit.

"Ahmm wala naman po ina, gusto ko lang po na magpaalam dahil babalik na po ako sa akademya dahil mag sisimula na ang klase sa susunod na linggo!"

"Ganon ba anak? Kung ganon ay sige ipapahatid kita sa ating kawal." Nakangiting saad ng reyna.

"Huwag na po ina, ama mag te-teleport na lamang po ako!" Nabigla naman ang mag asawa dahil sa sinabi ng kanilang anak.

"Lubos na mapanganib ang iyong gagawin anak dahil hindi mo pa naman masyadong hasa ang kapangyarihan ng tubig hindi ba?" Nag aalala na saad Ng reyna.

"Ngunit ina!" Hindi na naituloy ng prinsesa ang kaniyang sasabihin dahil tinawag na ng hari ang ilang kawal para ihatid ang prinsesa sa akademya upang makapag pahinga pa dahil sa susunod na linggo pa naman ang simula ng klase. Kaya't makakahabol pa ang galing sa mundo ng mga tao sa simula ng klase.

Nang makaalis ang prinsesa ay agad na humiga na rin ang mag asawa dahil sa pagod na rin sa kakaisip.

At nananalangin na sana ay matupad ang kanilang panalangin.





The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now