Isang pangkaraniwang araw lamang ang araw na iyon para sa mga estudyante ng Stanford University sa Manila. Masaya ang lahat nang estudyante gaya ng mga nakasanayang araw para sa mga ito, ngunit ano nga ba ang maaring mangyari sa araw na iyon? Mananatili bang masaya o magkakaroon ng pagbabago.
Reina woke up feeling uneasy, sobrang lakas ng kabog nang dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan. "Siguro nauuhaw lang ako kaya ganito na lang ang puso ko,!" nasabi na lamang niya sa kaniyang sarili upang itago na rin ang kabang nararamdaman. She hurriedly got up from bed and get herself under the shower, napakalamig nang tubig na tumatama sa kaniyang katawan na nagpapagising sa diwa niya, at nang dahil don ay unti unting nawawala ang kanina niyang kabang nararamdaman. Bahagyang napanatag ang kaniyang dibdib sa isiping walang ibig sabihin ang kaniyang naramdaman kanina pagkagising.
Pagkatapos niya maligo ay nagbihis siya at nag ayos ng sarili gamit ang Johnson's baby powder at kaunting liptint. Siya kasi ang tipo nang babae na hindi mahilig maglagay nang makeup o kung ano anong kolorete sa mukha, tama na sa kanya ang liptint at konting powder pantanggal nang pagiging oily ng mukha kapag nainitan. Bumaba siya sa kusina at nakita ang kasambahay niya na nag luluto na nang umagahan!
" Nay Anita! Magandang umaga ho!" nakangiting aniya sa matanda, halos dito na ito tumanda sa kaniya at ang nagpalaki sa kanya, hindi niya alam kung ano ang dahilan nito noon at inalagaan siya, basta ang sabi lang nito sa kaniya ay malaki daw ang utang na loob nito sa pamilya niya na hindi man lamang niya kilala at kahit anong pilit niya sa matanda na sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga ito ay wala siyang makuhang sagot mula rito kaya naman hindi na rin niya pinilit, dahil wala siyang balak na pag aksayahan nang oras na hanapin ang mga taong umabandona sa kaniya.
Napangiti sa kaniya ang matanda ng makita siya.
"Magandang umaga din sa iyo iha! Ikaw talagang bata ka kahit kelan hindi mo man lang ako hinayaang matapos mag luto bago ka bumaba! Hindi ka man lamang gumising nang medyo tanghali mula ng bata ka pa," naiiling na turan nito na kaagad na nakapag pangiti sa kaniya.
"Nay naman, alam niyo namang masyadong mahalaga sa akin ang oras, Lalo na dahil nag aaral ako, tapos pagka uwian naman ay aasikasuhin ko pa ang kompanyang naipundar ko, kaya wala ho akong balak gumising ng tanghali at mag aksaya ng oras na humilata sa higaan ko". Talagang nakasanayan na niyang gumising ng maaga dahil nag aaral siya at the same time nag papatakbo nang isang negosyo, kailangan niyang balansehin ang oras sa murang edad pa lamang niya, 18 years old pa lamang siya ay nagsikap na siyang sumugal at nangutang sa isang bangko dahil nasa legal age naman na siya, at nagsimula siya sa isang maliit na boutique sa loob nang isang mall at nagsariling sikap siya, hindi siya kumuha ng tao para makatulong niya sa negosyo niya dahil ang iniisip niya ay kapag lumago na iyon ay saka lamang siya magkakaroon nang lakas ng loob na kumuha nang mga tao. At sa kaniyang sipag ay napalago niya ang negosyo at nakapag pagawa siya nang sariling clothing company at marami na siyang tao roon.
Sa edad na 20 ay may sarili na siyang kompanya at pinagpatuloy ang pag aaral niya sa isang eskwelahan, ang Stanford University, isa sa pinakasikat na paaralan sa kolehiyo sa Manila.
"Hay hala sige! Kumain ka na at ipinapahanda ko na kay Omeng ang sasakyan na gagamitin mo." Sabi nito nang matapos itong magluto ng agahan nila.
" Salamat ho Nay Anita, pakitawag na lang ho si Mang Omeng at pakisabing sumabay na sa atin sa pag aagahan." Sanay kasi siya na kasalo ang mga ito sa pagkain, dahil ito lamang ang pinagkakatiwalaan niya sa tanang buhay niya.
"Sige iha,! Hintayin mo kami rito" agad siyang tumango at umalis na ang matanda at dumiretso sa garahe ng bahay niya.
Siya naman ay kinuha ang telepono sa kanyang shoulder bag na dala at hinanap ang pangalan nang sekretarya sa kaniyang telepono at tinawagan ito.

YOU ARE READING
The Long Lost Heir
FantasyThis story is consist of fantasy and made by the imagination of the author. This is a tagalog story. So please don't copy any part of this story. Plagiarism is a crime.