CHAPTER 5: Powers Room

1.1K 18 0
                                    

Reina's POV:

"Hanzee?" Anong ginagawa niya dito? At may kapangyarihan rin pala siya? Bat hindi man lang niya sinabi sakin? Sabagay ako nga din hindi ko sinabi sa kanya dahil ang bagay na nangyayari sa amin ngayon ay mahirap paniwalaan.

"Oo, ako nga Reina. Biruin mo yon, parehas lang pala tayo nang mundo" nakangiti niyang sabi pero di ko maiwasan na magtaka dahil parang may hidden agenda siya.

"Magkakilala pala kayo! Pero teka paano mo nalaman ang daan papunta rito eh hindi ka naman sumabay samin?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Snaya.

Kahit ako ay nagtaka, maliban na lang kung talagang matagal na siya rito sa mundo na to pero base sa alam ko eh katulad rin lang naman namin siya.

"Sumunod lang ako sa inyo, bago magsara ang portal ay nakapasok na ako. Pasensya na kayo kung nabigla ko kayo"

"Salamat at naisipan mong sumunod samin. Nakakamangha lang na sa inyong lahat ay ikaw ang pinakang hasa na ang kapangyarihan." Sabi ni Akira.

Lumapit na siya sa amin ni Carina at nagsalita.

"Masaya ako na may kakilala ako sa pagpasok sa akademya dahil nandito ka" . Ngumiti na lang ako dahil di ko maiwasan na magtaka sa kanya kahit pa nagpaliwanag na siya sa amin.

"Ahh, ito nga pala si Carina best friend ko" pakilala ko kay Carina na kanina pa rin pala nakatingin kay Hanzee.

"Hello, Carina nice to meet you. Sana maging magkaibigan din tayo". Nakangiti ito habang sinasabi jay Carina na nasa gilid ko lang at may ngiti sa labi, pero di bakit parang hindi naman genuine yong ngiti niya?

"Nice to meet you too. Diba ikaw yong may ari nong kilalang restaurant sa Pilipinas na Hanzee's Restaurant?"

" Ahh oo, nakakalungkot nga na naiwan ko yon eh." Halata naman ang lungkot sa mukha nito. Siguro nga ay talagang mahal na mahal nito ang negosyo niya.

"Tara na, malapit na tayo sa Fantastic Academy, ilang liko na lang mula rito" maawtoridad na ani ni Blake.

Nagsitanguan na lang kami at nagsimula na ulit maglakad. Napapagitnaan ako nila Hanzee at Carina. Nasa likod ko si Hanzee samantala nasa unahan ko naman si Carina. At kasunod ni Hanzee ay si Akira at Blake.

"Wowww! Anlaki naman ng paaralang ito parang palasyo sa mga napapanood kong pelikula. Antaas ng gate" napatingin ako sa unahan dahil sa sinabi nang isa naming kasamahan na nasa unahan.

Nakakamangha ang paaralang ito. Para nga siyang isang palasyo na napapalibutan nang napakataas na gate. Halos bubong lang nang paaralan ang nakikita namin sa labas dahil sa sobrang taas nito pero kita naman ang mala tore nitong taas mula sa labas.

" Maligayang pagdating sa Fantastic Academy mga newpro" sabi ni Snaya.

"Teka! Anong newpro?" Tanong nang nasa unahan ko na si Carina.

"Newpro ang tawag sa mga bagong salta o bagong dating sa mundong ito" paliwanag ni Snaya.

" Pumasok na tayo para makapag pahinga na rin kayo, dahil alam namin na pagod ang lahat dahil sa mahaba haba ring paglalakbay. Automatic naman na bumukas ang mataas na gate at hila namin ang maleta namin habang papasok nang paaralan. Napansin ko na may dala na rin na maleta si Hanzee pero di ko na siya tinanong kung saan iyon nanggaling dahil siguro sa kapangyarihan niya.

Hindi nga kami nagkamali, dahil kung anong ganda nito sa labas ay triple ang kagandahang taglay sa loob ng mataas na gate. Napapaligiran nang napakaraming bulaklak. Nasa gitnang bahagi ang sa tingin ko ay paaralan at maraming nakapalibot na mga naggagandahang mga bahay na hindi naman ganoon kalakihan.

The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now