Nang makaalis si Carina ay agad niyang tinawagan ang head ng paaralang pinapasukan nila dahil ayaw naman niyang bigla na lang mawala at magtaka ang mga ito sa kanilang dalawa ni Carina.
"Hello good evening! This is Dean Lustre, how may I help you?"
Agaran naman siyang sumagot ng masiguradong ang Dean nga ang kausap niya.
"Hi, Dean good evening. This is Ms. Elizalde and I just want to tell that me and Ms. Carina Buenaventura will leave the school for the mean time because of some confidential matter. I hope you understand ". Sana ay wag na siya nitong tanungin pa nang tanungin dahil kahit siya ay hindi niya alam kung saan sila pupunta.
"Ahm, is that so? Well kung hindi ko na kayo mapipigilan at kung importante naman pala ay wala akong hadlang sa inyo ."
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito."
"Thank you so much po dean" yon lang ang sinabi niya at pinatay na niya ang tawag. Sakto namang pagbaba niya nang telepono ay pumasok ang kanyang Nanay Anita.
"Iha, may kailangan ba akong malaman?"
Alam niya na hindi siya dapat mag sinungaling dito. Dahil kung isa siyang di pangkaraniwang nilalang ay tiyak na alam nito iyon at iniintay lamang siyang magsabi.
"Nay! Alam ko po na alam niyo kung ano ako? At kung saan ko balak na pumunta ngayon. " Magalang pa rin na sabi niya kahit ang utak niya ay puro na lang pagkalito sa bilis nang nangyari sa loob lamang ng isang araw. Talagang may kahulugan ang kabog nang dibdib niya kaninang umaga, dahil sa nangyaring ito.
"Natutuwa ako at tanggap mo kung sino ka at nais mo pang alamin ang mga bagay tungkol sa sarili mo na hindi mo pa alam ang kasagutan, maghihintay kami sa iyong pagbabalik. Paumanhin at hindi ko masasabi sayo ang tungkol sa mga magulang mo pero alam ko na mahahanap mo sila mahal na pri--"
"Ano po yon Nay Anita?". Nagtaka siya dahil tumigil ito nang pagsasalita.
"Wala iyon Iha, wag mo na akong intindihin, basta't mag iingat kayo doon ni Carina lalong lalo na ikaw." Makahulugan man ang sinabi nang matanda ay ipinag sawalang bahala na lamang niya iyon at nag umpisa nang ilagay ang gamit niya sa isang maletang hindi naman ganoon kalaki.
Noong lumabas na ang matanda ay hindi na siya nagaksaya nang oras at kinuha sa kailaliman nang kanyang damitan ang isang kwintas na nasa kanya nang pangangalaga simula pa ng siya'y sanggol na ibinigay ng Nanay Anita niya sa kanya at sinabing pakaingatan ito.
Hindi niya iyon isinuot bagkus ay inilagay sa secret pocket nang kaniyang maleta at humiga sa kama. Siguradong bukas ay sisimulan na nilang dalawa ni Carina ang pagtahak at pag alam tungkol sa mga bagay sa sarili nila. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya at hindi na nakakain.
"Ynna, Ynna! Gising"
Nagising siya dahil sa pagyugyog sa kaniyang katawan at sa malakas na boses ng kaibigan, di niya inalintana ang antok at agad na bumangon nang maalala ang dapat nilang gawin ni Carina."What time is it?" Tanong niya sa kaibigan,
"Gaga mag aalas 3 na nang madaling araw, ang sarap ng tulog mo ha? Ni hindi mo nga alam na katabi mo kong natulog eh, kahit kelan talaga tulog mantika ka, kung alam ko lang na"
"Hepp tigil na, tumigil ka na nga ang aga aga eh ang ingay ingay mo sige na bumaba ka na at kumain. Susunod na din ako" nakaka Loka talaga tong babaeng to' sabi na lang niya sa isip niya.
"Hmp, Ikaw na nga ang ginising ehh..sige Basta bilisan mo Jan ha..babusshh" at bumaba na ito at siya naman ay nag ayos na nang sarili.
Pababa na siya nang hagdanan at hila hila ang maleta niya nang maalala na hindi pa nga pala niya nasasabihan ang sekretarya sa pagkawala niya. Kaya naman tinawagan na lang niya ito para mabilis.
YOU ARE READING
The Long Lost Heir
FantasyThis story is consist of fantasy and made by the imagination of the author. This is a tagalog story. So please don't copy any part of this story. Plagiarism is a crime.