CHAPTER 4: New World

887 24 0
                                    

Hindi makapaniwala si Reina sa kaniyang nakikita. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang fantasy movie at siya ang bida na nakikita ang mga di kapani paniwalang bagay na nasa kaniyang harapan.

Kung alam niya lamang na ganoon kaganda sa mundong kaniyang tinatapakan ay hindi na siya nag dalawang isip na sumama kila Blake sa pagpunta roon.

Napakaganda nang hiwaga na bumabalot sa lugar at hindi niya namalayan na nakanganga siya sa tanawin sa harapan niya.

Natauhan lang siya nang may umangkla sa braso niya at napag alamang si Carina iyon. Tila pareho sila nang reaksyon nang makapasok sila sa portal.

"God, Ynna ang ganda naman pala sa lugar na to, ano na kayang bansa to?" tanong nito sa kanya.

Bago pa siya makasagot at sabihin na dito na hindi din niya alam ang sagot sa tanong nito sa kanya ay may nakasagot na sa likod nila.

"Hindi na ito kabilang sa bansang pinanggalingan natin kanina, walang sinuman ang nakakaalam kung saang bansa ito o saang lupalop ng kalawakan.Tanging ang Reyna, Hari at may katungkulan sa palasyo ang nakakaalam sa sagot sa tanong natin" sabi ni Akira sa likod nilang dalawa ni Carina kaya napaharap sila dito.

Akala niya ay hindi sila nito kakausapin dahil feeling niya ay may pag ka snob ito.

"May hari at reyna pala dito?" Namamangha namang sabi ni Carina sa nasa tabi niya.
Nakangiti ang kaibigan niya kay Akira pero nang sumagot naman si Akira ay hindi ito tumingin sa kaibigan niya at sa kanya lang tumingin na siyang nagpawala sa ngiti ni Carina at napalitan nang mukhang naiinis.

"Meron ang mundo ng Fantastica ng namumuno at nagpapanatili ng kapayapaan, at ito ang hari at reyna." Tumango tango naman siya pero hindi man lang nawala ang taas ng kilay ng katabi.

"Edi meron ring prinsepe o prinsesa?" curious nyang tanong.

"Meron lamang ang mundong ito na dalawang prinsesa ngunit walang prinsepe. Dahil dalawang babae ang anak ng mahal na hari at reyna."

Naliwanagan naman siya. Naisip niya na 'siguro napaka gaganda ng mga prinsesa at napaka makapangyarihan'.

Magtatanong pa sana uli siya nang sumabad sa usapan nila si Blake.

"Halina kayo at pumunta na tayo sa Fantastic Academy, dahil dinala namin kayo dito para mahasa ninyo ang taglay ninyong kapangyarihan at magamit ng tama at para magawa ninyo iyon, you need to enter fantastic academy dahil doon tuturuan kayo." Mahabang paliwanag nito at tumingin sa kaniya.

Nagtaka naman siya sa uri ng pagtingin nito na parang may gustong sabihin sa kaniya kaya tinanong niya ito.

"May gusto ka pang sabihin?" tanong niya.

"Gusto ko lang sanang itanong kung sadya bang may highlights na puti yang buhok mo at kulay lila ang mata mo noon pa?"

Bakit naman kaya ito magtatanong sa kanya tungkol sa physical appearance niya?

"since birth ganito na talaga ang kulay ng mata ko at buhok. Bakit?"

"Wala naman, don't mind me. Tara na kasi hinihintay na tayo nila Snaya at ng iba pa para sumunod sa kanila sa daan papunta sa academy"

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay nauna na itong maglakad at sumunod naman siya bago si Carina at Akira.

Nang makita nila ang ibang kasamahan ay nagsimula na ulit sila na maglakad habang dala dala ang maleta nila.

Lupa ang daanan nila pero may mga tuyong dahon naman at pantay. Pumasok sila sa isang arko na parang nagsisilbing entrance ng akademyang kanilang pupuntahan.

Hindi pa man nakikita ng buo ang mundong iyon ay naeexcite na si Reina sa mga hiwagang matutuklasan nila.

Habang naglalakad ay magkalapit sila ni Carina habang ang tig isang kamay ay hawak ang maleta, manghang mangha silang pinagmamasdan ang paligid na dinadaanan.

May mga naggagandahang puno na ibat iba ang kulay, maliwanag na kalangitan dahil umaga na, sariwang simoy ng hangin at magagandang ibon at bulaklak.

Nasa pinakalikod silang grupo ni Carina habang naglalakad, ang nasa unahan ay sila Ishna at ibang kasama nila na may dala ring maleta, pangalawang grupo ay sina Snaya, Maurine at limang kasama. Silang apat nila Blake, Carina at Akira ang nasa huli.

Namamangha siya dahil hindi nakalapat ang paa ni Maurine sa lupa at hindi humahakbang, nakaangat ang mga paa nito at parang lumilipad. Dahil siguro ginagamit nito ang kapangyarihan ng hangin.

Ang iba naman nilang kasama ay nag uusap usap pero hindi ginagamit ang kapangyarihan gaya nalang nila Blake at Akira. Patuloy sila sa paglalakad ngunit bigla silang napatigil ng tumigil sila Blake at Akira na bahagyang naiwan nila sa paglalakad.

"Anong problema Blake?" tanong ni Maurine.
Ngunit senenyasan ito ni Blake na tumahimik.

Naramdaman niya na humigpit ang kapit ni Carina sa kanya, dapat rin ba siyang kabahan dahil sa hindi niya malamang dahilan kanina pa siya nakakaramdam na may matang sumusunod at nagmamasid sa kanila.

Third Person's POV

Lahat ay tahimik at nakikiramdam. Mga naghahanap ang mga mata. Nasa loob na sila ng sakop ng akademya pero hindi pa ito kita mula sa kinatatayuan nila.

"Wwaaahhhhh" nagsisigaw ang iba at ang iba naman ay naging alerto ng may isang ipo-ipong lumitaw at sa loob nito ay isang babae na may kulay highlights na puti at lilang mata katulad ngunit makikita rin sa mata nito na may isang aurang madilim na nakapalibot dito ngunit hindi iyon napansin ng mga estudyante. Hindi nila masyado makita ang kabuuan ng mukha nang babae dahil may ipo ipo na nakapalibot dito

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Lakas loob na tanong ni Ishna. Ang lahat ay magkalapit na pormang pinoprotektahan ang isat isa. Ang nakahiwalay lamang ay sina Carina at Reina at ang lima.

Nang sabihin iyon ni Ishna ay nawala ang ipo ipo at tuluyan nilang nakita ang mukha nang babae.

"Hanzee?"

NICKNAJ

Author's Note:

Please let me know po kung may nagbabasa nang story ko hihi, di po talaga ako nagsusulat nang story eh at di po ako ganon kagaling. Libangan lang po ito..
Please do comment po and vote kung nabasa niyo po ito.




The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now