CHAPTER 10: Glass Room P2

1.3K 35 29
                                    

Third Person's POV

Iilan na lang ang natitira na hindi pa nakakapag palabas ng kapangyarihan sa glass room at kasama na doon si Carina at Reina at ang isa pa nilang kasama, hindi malaman ni Reina kung ma eexcite ba siya o kakabahan dahil nalalapit na para siya naman ang pumasok sa loob.

Mas lalo pang kinabahan ang mga natitira nang natapos na ang nasa loob na si Rey na talaga namang nakakaawa ang itsura dahil balot ng sugat ang buong braso at may mga paso pa sa binti at pisngi. Agad na itong pinapasok ni Prof Krim sa pinto sa gilid para magamot. Ang iba na kaninang pumasok doon upang magamot ay nanonood na rin ngayon kaya't kinakabahan si Reina dahil marami ang makakapanood sa kanya kung sakaling papalpak siya gayong hindi pa niya alam kung anong maitatawag sa kapangyarihang mayron siya.

"Winston, ikaw na ang sumunod, kasunod mo ay si Miss Carina Buenaventura and last will be Miss Queen Reina Elizalde, good luck to the three of you, Winston you may proceed"

Nang nakapasok na si Winston ay nag turn ang glass room sa isang bundok na napakataas, konting maling apak lang siguro ay malalaglag na ang nandon. Nakatayo si Winston sa pinakang tuktok at nasa harap niya ang isang maliit na kuting.

"Teka, kuting ba yan? "

"Yan ba ang makakalaban ni Winston? Nakakatawa naman, paniguradong wala siyang ni konting galos paglabas niya hahaha"

Hagikgikan ang maririnig sa labas, ngunit agad na napasinghap ang mga ito nang unti unting lumaki ang kuting at naging isang malaking tigre, na nagbubuga ng apoy.

Reina's POV

Tigre na nagbubuga nang apoy? Meron ba non, akala ko dragon lang ang nagbubuga nang apoy ah? Pero ibang mundo nga pala ito kaya hindi imposible na mangyari ito.

Napaangat naman ang mga kasama ko sa upuan nila nang sinugod si Winston ng tigre nang napakabilis at hindi niya ito nagawang ilagan natumba siya at pinagkakalmot siya ng tigre na naging sanhi nang maraming sugat sa katawan niya.

Bakit kasi di agad siya tumakbo?

Nakahinga naman kami ng maayos nang tinigilan saglit ng tigre si Winston sa hindi alam na dahilan.

"Bakit siya tinigilan ng tigre?" Tanong nang isa kong kasama.

" Sa nakikita ko, ito ang pinakamadaling challenge na ibinigay nang glass room ngayon sa atin dahil si Winston ay nagawang utusan sa isip ang hayop na yan kaya siya tinigilan" sabi ko naman.

"Magaling Reina, nakuha mo agad. I'm excited to see what power do you have. I'm sure it will be exciting" sabi ni Prof.

Pinalabas naman na agad si Winston ng glass room at diniretso sa silid para magamot.

Susunod na si Carina.

"Besshy kinakabahan ako? What if di ko kayanin? Katapusan ko na yata yon" natawa naman ako sa sinabi ni Carina.

" Ano ka ba kaya mo yan, ikaw pa ba basta wag ka mag panic para makapag focus ka okay?" Pampalakas loob ko nalang dito. Tumayo na si Carina at pumasok sa loob.

Di ko man aminin pero kinakabahan ako para sa best friend ko, sana talaga madali lang ang ibigay sa kanya na pagsubok ng glass room.

Pagpasok niya ay agad na nag iba ang kapaligiran at naging isang malawak lamang na patag, pero ang ikinagulat namin ay ang isang higanteng itim na usok na pabulusok papunta sa kanya. Teka pwede ba yon? Mukhang hindi nahahawakan ang kalaban niya. Mukhang magiging mahirap to.

Ipinikit ko ang mata ko at 'besshy kaya mo yan'.

Natigilan naman si Carina sa loob at pumikit din.

'salamat besshy'

The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now