Queen Reina's POV
"Siguro narinig niyo na ito sa labas na magkakaroon na nang power testing dalawang linggo mula ngayon, alam ko na nakakagulat ang lahat ng ito para sa inyo pero kailangan niyo na nang puspusang pag eensayo para makapasa kayo, bukas na bukas din ay pupunta na tayo sa training room at dapat nang lahat kayo ay mailabas ang kapangyarihan ninyo at malaman natin kung ano ito dahil kung hindi ay mapipilitan ang akademya na burahin ang alala niyo sa lugar na ito at ibalik kayo sa mundo ng mga tao"
Ibabalik sa mundo ng mga tao? Ibig sabihin kapag hindi ako nakapag palabas ng kapangyarihan ibabalik ako sa mundo ng mga tao? Pero gusto ko na rito at hindi ko pa nagagawa ang nais kong gawin sa mundong ito, ang mahanap ang tunay kong mga magulang.
Nakakapag palabas ako ng kapangyarihan pero ang problema sobra sobra ang nailalabas ko na maski ako ay hindi ko alam kung ano ano iyon dahil sa iba iba ito at marami, kaya nakakalito. Ganon ba talaga dapat ang kapangyarihan ng isang newpro pa lang? Bakit naman yong iba ay isa lang ang kapangyarihan nila?
" Sir, may magtuturo po ba sa amin? " Tanong nang isa kong kaklase.
" Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na walang makakatulong sa inyo sa pag eensayo, ako ay tutulungan lamang kayong alamin kung ano ba ang kapangyarihang meron kayo pero kayo na ang magsasanay nito dahil kulang na tayo sa oras. Ang lahat ng Exir ay kanya kanyang ensayo para sa darating na power testing kaya't walang makakatulong sa inyo, ako man din ay nagulat sa pagiging mabilis nang lahat pero kailangan nating makasabay kaya naman good luck sa inyo. Isapuso ninyo ang pag eensayo. Paalala lang, hindi kailangang malakas na agad ang kapangyarihang ipakita ninyo sa araw na iyon ang kailangan lang ay may mapalabas kayong kapangyarihan para hindi kayo maibalik sa kabilang mundo. Maiwan ko na kayo that's all for today maari na kayong mag pahinga" mahaba nitong paliwanag at lumabas na sa room
I guess kailangan ko ng matinding ensayo.
***
Nandito kaming lahat sa isang training room na nakalaan para sa mga new pro at gaya nang sinabi ni Prof Krim ay kami lang ang naririto kasama siya. Halata na kabado ang lahat pero mababasa rin sa mga mukha ng kasamahan ko na determinado silang mapalabas at mahasa ang kapangyarihan nila.
Malawak ang training room na iyon kaya naman kayang kaya naming magpalabas ng kapangyarihan ng hindi nakaka apekto sa ibang kasamahan namin.
Magkakasama kaming tatlo nila Hanzee at Carina.
"Newpro, ipagpaumanhin ninyo pero maupo muna kayo at manood dahil isa isa kayong papasok sa loob ng glass room na yan at kailangan mailabas ninyo ang kapangyarihan ninyo bago ko kayo payagan na mag ensayo ng sarili ninyo"
Nagsiupo na ang lahat at umupo na lang din kaming tatlo sa may likod na bahagi.
"Prof, hindi po ba delikado na manonood kami? Baka po maapektohan kami kapag nagpalabas ng kapangyarihan ang nasa loob" tanong ni Leo.
" Oo nga po Prof hindi po ba mas okay kung lumayo kami? " segunda naman ni Hanzee.
Tumayo si Prof sa unahan at nagsalita.
" Huwag kayong mag alala dahil kahit gaano pa kalakas ang kapangyarihan na mapapalabas ninyo ay hindi maapektuhan ang nanonood sa labas ng glass room dahil ang glass room ay parang hiwalay na dimension, kapag pumasok kayo diyan ay hindi niyo makikita ang nanunuod sa inyo sa labas. Ganyan ang ginagamit sa power testing na ginaganap dito sa Fantastic Academy "
So kahit manood kami dito ay hindi man lang namin mararamdaman ang kapangyarihan nang nasa loob?
" Prof Krim, can I ask something? " Sabi ko sabay tayo. Lahat naman sila ay napatingin sa akin at nakinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/272094676-288-k311129.jpg)
YOU ARE READING
The Long Lost Heir
FantasyThis story is consist of fantasy and made by the imagination of the author. This is a tagalog story. So please don't copy any part of this story. Plagiarism is a crime.