Hindi ko alam kung paano kong nagawang tingnan ang sumagip ng aking buhay mula sa ambang kamatayan dahil sa takot at pagkalito sa sinabi ng isang boses ng lalaki.
"Ayos ka lang ba?" Baritonong boses nang lalaki sa aking harap ang nagtanong sa akin. Tama ngang matipuno ang katawan, matangkad, maputi at gwapo ang nasa harap ko. Medyo lumebel siya sa kagwapuhan ni Blake. Teka muntik na nga akong mamatay ganito pa rin ang iniisip ko?
"O-oo salamat sayo. Hindi ko alam kung bakit ako gustong patayin ng nilalang na iyon kaya nagpapasalamat akong talaga sa pagligtas mo sa akin"
Lumakad siya palapit sa akin at nang tama na ang lapit namin ay nilagay niya sa bulsa ang kamay na kanina lamang ay may kulay asul na kapangyarihang lumabas. Feeling ko siya ang tipong cool pa rin kahit gusto nang magalit.
"Bakit nga kaya? I wonder what's special about you that a dark magic user take a risk to visit our academy despite the tight security just to kill you. Because I can't see any special in you!"
Tila may nahimigan akong pangungutya sa boses niya. Kanina lang ay parang concern siya sa kalagayan ko pero bakit ngayon ay parang minamaliit niya ako?
"Hoy! Hindi porke niligtas mo ako pwede mo na akong kutyain ha? Maganda ako at sexy rin, Malay ko ba kung nagpapapansin lang iyong lalaki na yon at hindi naman niya talaga ako balak na patayin Diba?"
Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko sa sinasabi ko upang hindi lang mapahiya sa wala naman palang modong lalaki na ito. Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko.
"haha, your funny but I admit you're beautiful but not that sexy" sabay hagod ng tingin niya sa katawan ko.
"Bastos ka ha? Diyan ka na nga. Bwiset"
Hindi makapaniwalang iniwan ko siya doon at nagtuloy tuloy ang lakad papunta sa may left wing nang paaralan kung nasaan ang dorm namin.
Habang naglalakad naman ay nasulyapan ko si Blake na naglalakad habang nakapamulsa at tingin ko ay papunta sa gitnang bahagi ng paaralan. Napansin ko rin na marami rami na ang estudyante ngayon sa paaralan na halos naman nakatingin kay Blake habang kilig na kilig. Tsss bakit ba kasi ang gwapo nang mga nilalang dito, sigurado akong magiging sikat sila sa Pilipinas kung magiging artista sila sa kagwapuhang taglay nila.
Napalingon naman ako sa iilang lalaki na sumisipol habang nakatingin sa akin at sa suot ko. Hindi ko alam na may mga ganito rin pala sa mundong ito at tila walang pinagkaiba sa mundo ng mga tao.
Hinayaan ko na lang ang mga yon at ibinalik ang tingin ko kay Blake at ganon na lang ang gulat ko nang bigla siyang bumalik at pumunta sa harap ko ng masulyapan ako.
Tumigil siya nang kaunti na lang ang espasyo namin at halos nagulat ang mga nakakita sa amin. Pati ako ay nagulat rin at napaatras na lang pero agad siyang humakbang ulit at iniuklo ang ulo upang magpantay ang mukha namin. Konti na lang at alam kung maglalapat na ang mga mukha namin buti na lang at hindi na siya lumapit pa.
"Anong ginagawa mo?"
"Ganyan ka ba talaga?"
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Parang may halong inis iyon sakin at hindi ko naman alam kung bakit.
"Kailangan mo bang gamitin ang ganda mo para lapitan ka ng mga lalaki?"
"What? I don't get you, ano bang sinasabi mo?"
Talagang naguguluhan na ako sa sinasabi niya.
"Si Kiel, bakit kayo magkausap sa likod at tila tuwang tuwa pa siya na kausap ka"
Nalito naman ako sa mga sinasabi niya.
"Kiel? Sino naman yon?"
"Falling out? Ano yon nakipag usap ka sa tao na hindi mo naman pala kilala?"
![](https://img.wattpad.com/cover/272094676-288-k311129.jpg)
YOU ARE READING
The Long Lost Heir
FantasyThis story is consist of fantasy and made by the imagination of the author. This is a tagalog story. So please don't copy any part of this story. Plagiarism is a crime.