CHAPTER 8: Meet new

1K 14 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Bumalik ang lahat sa dati na parang walang nangyari, nakauwi na siya sa kanilang dorm at talagang walang nakaalam na iba tungkol sa nangyari sa kanila kahit si Hanzee.

Ang alam ng lahat ng kasama nila maski nila Blake ay sumama lamang ang pakiramdam niya. Buti na lamang at hindi na nag usisa pa ang mga ito dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya kapag nangyari iyon.

"Wow! Ang laki naman pala ng classroom natin" manghang sabi ng isang newpro nang makita ang silid kung saan silang lahat tuturuan dahil gaya ng sinabi ni Blake hindi pa sila pwede na humalo sa ibang Exir hanggat hindi pa dumadating ang pagsubok sa kanilang kapangyarihan.

"Ito ang magiging pansamantalang silid ninyo, maiwan na namin kayo" sabi ni Ishna at naglakad na palabas nang silid kasama sila Snaya. Nagtataka siya dahil hindi niya alam kung nag ooverthink lang ba siya dahil nararamdaman niya na kanina pa sila parang pinagmamasdan ng lima na naghatid sa kanila sa room na iyon.

"Enjoy guys, I hope na maging isa na talaga kayo sa amin. Excited na kaming malaman ang ibat ibang kapangyarihan niyo" nakangiting sabi ni Snaya sabay tingin sa mga kasamahan nito.

'Ano kayang problema? Bakit ganito ang kilos nila? '  naisip niya. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakapansin noon.

Nang makalabas ang mga ito ay nagsi upo na sila dahil pumasok na ang kanilang propesor.

Natigil na din ang pag iisip niya ng magsalita ang pumasok nilang professor.

" Magandang araw mga newpro! I'm Krim Serio ako ang nag iisang magiging professor ninyo pansamantala dahil alam niyo naman na maililipat pa kayo kapag na identify na ang mga powers ninyo. Ako ang kasama ninyo sa pag papalakas at pag-alam ng inyong mga kapangyarihan " mahaba nitong paliwanag at marami sa kanila ang na excite pero hindi siya kabilang doon dahil alam niyang napaka delikado ng kapangyarihan niya.

Nagulat naman siya ng umuklo sa kanya si Carina.

" Besshy alam ko ang nasa isip mo pero may solusyon tayo diyan, saka mo na ilabas ang kapangyarihan mo kapag nasa pagsubok na tayo huwag muna ngayon dahil baka agad kang ihiwalay sa amin at ayaw ko non, kontrolin mo lang ang ilalabas mong kapangyarihan, hindi ba nag sanay ka ulit sa room mo non?"

"T-teka paano mo nalaman?"

Simula nang makauwi siya galing sa clinic ng akademya ay palihim pa rin siyang nagsasanay at nagpapalabas ng kapangyarihan sa kanyang silid, naisip niya na rin na magpalabas lamang nang kaonting kapangyarihan kaya sinanay na niya iyon at nagawa naman niya pero hindi pa gaano ka pulido dahil minsan ay napapalakas pa din ang paglabas nito kaya siya kinakabahan ngayon kung sakaling iutos sa kanila na magpalabas ng kapangyarihan, hinihiling niya na sana ay magawa niya ng maayos.

"Ako pa ba, hindi mo alam na may kapangyarihan na din ako, haha pero wag ka mag alala tayong dalawa lang ulit ang nakakaalam " pag aassure sa  kanya nito at nakahinga naman siya ng maluwag kahit papaano.

Napatigil lang sila ng tawagin sila ng kanilang professor. Napatayo sila bigla dahil sa gulat.

"Mga iha, maaari ko bang malaman ang inyong pinag usapan at tila hindi kayo nakikinig sa akin, gaano ba yan ka importante? "

Napayuko naman si Carina sa tabi niya dahil sa hiya meron pa rin pa lang terror na prof dito sa mundong ito, naisip niya.

Kahit siya ay nahihiya din pero umimik na lang siya dahil parang walang balak umimik ang katabi niya dahil sa hiya.

" S-sorry po Sir Krim hindi na po mauulit"

Natigilan naman ang professor ng makita siya na hindi niya alam ang dahilan kaya't inilibot niya ang mata niya at nakita na lahat pala ng kasamahan nila ay nakatingin na sa kanila. Ang iba ay namamanghang nakatingin, ang iba ay natatawa at ang iba naman ay walang expression sa mukha.

The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now