Nang makarating si Reina ay hindi na siya nag abala pang mag ayos at agad na bumaba sa kotse niya. She was 15 minutes late, it's already 12:15 at ayaw naman niyang mainis ang bagong investor ng kompanya niya sa kanya.
"Good afternoon Ma'am welcome to Hanzee's Restaurant" sabi sa kanya ng babae sa may pinto. Nginitian na lamang niya ito.
"Can you lead me where Mr. Portalejo is? I'm with him."
"Sure ma'am. He is in the top floor, please follow me." Nginitian siya ng babae at iginiya sa floor kung nasaan daw ang lalaki. Nang makarating sa nasabing floor agad na nakita niya ang lalaking nakatalikod at papunta sila sa direksyon nito."Mr. Portalejo, may I excuse you, someone said that she's with you". Agad naman na lumingon ang lalaki at nalaglag na lang ang mata niya sa napaka gwapo at kisig na lalaking nasa harapan niya. His perfect jaw, blue eyes, pointed nose and seductive lips . Parang nang aakit itong tumingin sa kanya at hindi niya namalayang nakaalis na ang babaeng naghatid sa kanya dahil sa pagkatulala.
Napangisi ang lalaki nang mapansin ang pagkatulala ni Reina sa harap niya.
" Why don't you take a picture of me Miss Elizalde, I think it will last longer." Agad naman siyang natauhan sa sinabi nito at tumikhim bago nagsalita." Hi good afternoon Mr. Portalejo, I'm Reina Elizalde nice to meet you!" Pormal na aniya sa lalaki.
Nagkaroon naman nang gatla ang noo nang lalaki at parang hindi nagustuhan ang tinuran niya . Kaya naman nagtaka siya dahil wala naman siyang nasabing ikasasama nang timpla nito. Buti na lamang at nagsalita ito.
" You know, Miss Elizalde mas gusto ko ang hindi pormal sa harap ko at hindi tumutunganga sa akin" maangas na turan ng lalaki na ikina pag pantig ng tenga niya. Ano bang tingin nito sa kanya? Malanding babae na luluhod sa harap ng isang lalaki dahil lang sa kagwapuhan na taglay nito?
' hoy Reina talaga namang parang lumuhod ka at sinamba siya kanina dahil sa pagkatulala mo' sabi nang isip niya na hindi niya lubos matanggap dahil narealize niya na humanga siya sa isang lalaking walang modo at mataas ang tingin sa sarili. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kahihiyang ginawa."Excuse me Mr, masyado ka naman yatang bilib sa sarili mo. " Di niya pinahalata na nahihiya siya sa inakto bagkus umupo siya sa upuan sa harap nito kahit hindi naman siya pinapaupo. Bastusan ba ang labanan dito? Well kaya niya ring makipag sabayan dito.
Imbes na magalit ay ngumisi pa ang lalaki sa kaniya na ipinagtaka niya.
"Its a bad thing that a business partners are arguing, pwede na ba natin simulan ang meeting na ito?" Nakakapag taka ang ugali ng lalaking iyon pero inayos niya ang upo at ipiniksi ang iba pa dapat niyang sasabihin dahil sa inis sa lalaki.
"Yupp, I think so too, so Mr. Portalejo what do you want to talk? Because as far as I know naka settle na ang mga documents about you investing in my company, so what is this sudden lunch all about?" Talaga namang wala na dapat pa silang pag usapan dahil hindi naman siya masyado nag entertain nang investors Lalo na't sila lang dalawa ang nag uusap. Karaniwan ay sa board meeting lang niya kinakausap ang mga ito.
"Cut the formality. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin I'm only 22 years old at nag aaral pa rin ako so, nandito lang ako dahil may gusto akong sabihin sayo. Pero hindi ito tungkol sa business mo." Kumunot naman agad ang noo niya sa sinabi nang lalaki. Eh kung hindi naman pala tungkol sa negosyo ang pagkikita nila, tungkol saan?
"What do you mean?" Bigla itong bumuntong hininga at parang nahihirapan sa pagpapaliwanag ng sasabihin nito.
" I know what happened to you this morning. Naka ingkwentro mo ang makapangyarihang kalaban ng Fantastic Academy, alam kong may kapangyarihan ka kaya naman nag invest ako sa kompanya mo para makausap ka tungkol dito. Kailangan mong sumama sa akin sa mundo kung saan ka nababagay, sa mundo na may kakaibang nilalang at kapangyarihan. Delikado ang buhay mo sa mundong ito" what? So alam nito ang tungkol sa kakayahan niya na itinatago sa marami?
YOU ARE READING
The Long Lost Heir
FantasyThis story is consist of fantasy and made by the imagination of the author. This is a tagalog story. So please don't copy any part of this story. Plagiarism is a crime.