Chapter 11: Princess Raine

134 2 0
                                    

A/N: Sorry for the super duper late update guys. Hope you enjoy reading

Comment down sa mga gustong magpa dedicate sa next chapter guys.

Third Person's POV

Lahat ng nakakita ay nagulat sa kapangyarihang ginamit ni Reina sa pagbasag ng harang papunta sa loob ng glass room, sinubukan nila Blake na pumasok ngunit nagkaroon muli ng harang at ang mas ipinagtaka pa nila ay hindi na nila makita ang nagaganap sa loob, tanging itim lamang ang nakikita nila.

"Prof! Wala ba tayong gagawin? Baka kung ano na ang mangyari sa dalawa sa loob lalo na at alam nating kagagawan ang pag mamanipula na ito ng dark magic user." Pagalit na sabi ni Blake.
Ang mga kasama nito nag aalalang lahat at galit rin.

Ang pinagtataka lang nila ay kung paano nakapasok dito ang dark magic user na yon?

Magsasalita na sana si Prof Krim nang iluwa ang dalawa ng glass room na parehong nakakaawa ang itsura. Si Reina ay mag sugat sa braso at may tumutulong dugo sa bibig, samantalang si Carina naman ay puno ng dugo at sugat ang buong katawan.

"Carina, Reina!" Agad na pinuntahan ng mga newpro at ng lima ang dalawa.

"Lumayo kayo!" Sigaw ni Prof Krim sa lahat, pagkatapos ay pinalutang nito ang dalawa tyaka ipinasok sa room na nakakapag pagaling.
Sinabihan niya ang lahat na magpahinga na at siya at ang anim na ang bahala sa dalawa.

Umangal pa si Hanzee pero agad namang napapayag ng pilitin siya ng mga kaklase na umalis na rin. Ang lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari, hindi ito ang inaasahan nila.

Pagkaalis ng lahat ay agad na tinawag ni Prof Krim ang anim at pinaupo. Hindi pa rin makapaniwala sila Blake maski si Snaya ay hindi din nag aalala siya dahil tinuring na rin niyang mga kaibigan ang mga ito.

"May idea ba kayo kung bakit nakapasok ang isang dark magic user dito at kay Carina pa nagpakita at gustong pang patayin??" Saad ni Prof Krim.

Nag isip naman ang mga ito, ngunit naunang magsalita si Maurine.

"H-hindi kaya si Carina ang nawawalang p-prinsesa? " Kinakabahang tanong nito.

Umiling naman ang lahat sa sinabi ni Maurine. Dahil wala dito ang hinahanap nilang katangian na panlabas ng prinsesa.

" Hindi kaya napagkamalan lang si Carina na prinsesa ng dark magic user? " Saad ni Blake .

" Basta bantayan nio ang mga newpro, dahil sigurado akong nasa kanila lang ang nawawalang prinsesa" sabi naman ni Prof Krim.

At pagkatapos non ay pinaalis na sila ni Prof Krim dahil sabi nito ay siya na daw ang bahala sa dalawa. Agad naman na sinunod ng anim ang sinabi nito.

Someone's POV

Napakatanga talaga! Sinabi ko na nga na mag hintay lang at panghuli si Reina pumalpak pa rin, malilintikan na naman kami nito kay panginoong Herlio.

Kung pwede nang ako na lang ang pumatay sa babaeng yon ginawa ko na matagal na kaso hindi pa ako pwedeng lumantad sa kanilang lahat, hindi pa oras.

Pero magpapakilala rin ako sa kanila HHAHAHAHAHAAHA!

Reina's POV

Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit, napabangon ako sa higaan dahil dito. Parang may hinahalukay sa ulo ko na kung ano. Minulat ko ang mga mata ko at nasa kwarto na ko. Paano ako nakarating dito??

Teka?

Ang naaalala ko lang ay pumasok ako sa glass room dahil gusto kong iligtas si Carina pero bakit kaya ang sabi nong lalaki ay akala daw niya si Carina ay ako. Bakit naman nila ako gustong patayin?

The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now