CHAPTER 6: Bulaklak

1K 18 0
                                    

Reina’s POV

“Gaya ng sinabi ni Blake sa inyo mayroong iba’t ibang estado ang bawat Exir dito sa mundo ng Fantastica at ngayon ipapaliwanag namin sa inyo ang bawat isa” – Ishna

Nandito kami ngayon sa Cafeteria, nasa isang mahabang table lang kaming lahat dahil nga marami pa daw silang ipapaliwanag sa amin na kailangang kailangan naming malaman. Na c-curious ako sa mga bagay bagay sa mundong ito kaya naman hinanda ko na ang tainga kong makinig, ganon din ang katabi kong si Carina na matamang nakatingin kay Akira na parang nandito ang mga sagot sa tanong niya. Si Hanzee naman ay nasa harap naming at katabi ni Blake, napapansin kong lagi itong nagnanakaw ng tingin sa katabi baka may gusto siya doon.

Pero nakakainis ang ugali non kaya bakit naman kaya magkakagusto sa kanya si Hanzee diba?

“Unang grupo ay ang pinakamababa, ang mga Sentes o binubuo ng mga kawal at mga tagasilbi saan man sa mundong ito. Sumunod ay ang mga Argis na binubuo ng mga standard na pamilya na nakakayang mabili ang ilan sa gusto nila  mayroong mga espesyal na abilidad gaya ng kakayahang makakita kahit sa malayo, o makarinig ng mula sa malayo man. Pangatlo ay ang mga Bisari o ang pamilyang mataas ang uri binubuo ng mga mayayaman sa mundong ito, may mga natatangi at malalakas na kapangyarihan, dito kami sa grupong ito nabibilang” mahabang sabi ni Maurine.

“wow! Amazing naman pala dito sa mundo niyo noh?” namamanghang sabi ng isa naming kasama na nasa kaliwang katabi ko.

“So, kayo na pala ang pinakamataas na grupo rito? Edi dapat gumagalang kami sa inyo?” _di ko na napigilang magtanong. Agad namang napatingin sa akin ang lima.

“Hindi pa kami ang pinakamataas na Exir sa mundong ito”- Snaya

“Sino pa pala eh kayo naman na yong makapangyarihan diba?” tanong naman ni Hanzee na nakatingin lang naman kay Blake at parang walang ibang nakikita kundi ito. Napairap na lang ako dahil sa tingin ko hindi naman ka gusto gusto ang lalaking yon.

“Ang pinakamataas na estado nang mga Exir sa mundong ito, ang Royal Family na kinabibilangan nang Hari at Reyna at ng dalawang prinsesa. Sila ang pinaka makapangyarihan at pinaka ginagalang sa mundong ito. Ang hari na may kapangyarihang Blue flames na pinakamalakas sa kapangyarihang apoy, habang ang reyna naman na may kapangyarihang white magic, water at pagiging half fairy. Samantalang ang bunsong prinsesa naman kapangyarihang tubig kaya mag iingat kayo kapag nandito ang prinsesa dahil medyo masungit yon, baka kagalitan pa kayo”- paliwanag naman ni Snaya na ngayon ay seryoso din.

Nakakatakot naman pala ang prinsesang yon, akala ko pa naman mababait ang mga prinsesa dito gaya na lang sa mga fairytales na napapanood ko sa tv.

“Wait, sabi mo Snaya dalawa ang prinsesa bakit ang bunso lang ang sinabi mo?” naitanong ni Hanzee, parang may napansin akong kakaiba sa kanya ng banggitin niya ang unang prinsesa.

Nagkatinginan ang lima sa harap namin kaya parang nakaramdam ako ng kakaiba sa prinsesang hindi nila binanggit. Bakit parang nag aalinlangan pa silang mag salita?

“A-alam naman ito ng lahat ng Exir kaya dapat siguro na malaman niyo na rin ito”

Naguguluhan na ako at parang ang dami namang misteryo sa mundong ito. Baka naman pangit yong unang prinsesa kaya hindi sinabi ni Snaya, o kaya naman baka nakakatakot pala yon at mukhang witch. Hayyy!! Ano bang mga iniisip ko?

Tinanguan ni Snaya si Ishna at parang naging hudyat yon na si Ishna na ang magpaliwanag sa amin.

“Ang unang prinsesa ay matagal nang nawawala simula ng bata pa lamang ito, pero nang alamin namin ay hindi pa siya patay pero hindi naming alam kung nasaan siya at hanggang ngayon ay ipinahahanap pa rin ito. Walang nakakaalam sa itsura niya at kung anong kapangyarihan niya dahil bata pa lang siya nong nawala, ang tanging alam lang naming ay ang itsura ng buhok at kulay ng mata niya dahil na rin sa sinabi ng mahal na reyna at hari” paliwanag sa amin ni Ishna at biglang sulyap sa akin ng lima pagkatapos ay kay Hanzee. Di ko alam sa mga to kung anong meron?

The Long Lost HeirWhere stories live. Discover now