CHAPTER 15

631 40 46
                                    

"Ayusin niyo nga yan! Hindi naman ganyan ang cake, ha!" i frustratedly said.

Sobrang kulit nila! Paano namin ito matatapos? Para silang mga kabute na hindi tumitigil sa kagalaw. Nandito si Agatha at Jace sa bahay dahil sinabihan ko silang tulungan akong gumawa ng cake para sa birthday ng kuya ko.

Malapit na kasi ang kanyang birthday, at hindi puwedeng walang handa para sa kanya. Si Kuya Thrion ay magiging 21 sa buwan na ito, kaya't kinakailangan talaga ng isang handa.

"Si Agatha ang pagalitan mo! Hindi ako!" pagtuturo ni Jace kay Agatha.

"Aba , luko ka ha! Sabi ko naman kasing ako na ang maglalagay ng ‘Happy Birthday’ sa cake kasi maganda ang handwriting ko!"

"Ano , akala mo sa handwriting ko pango?!"

Natawa ako sa pagmamalaki ni Jace. Hindi maikakaila na maganda ang sulat-kamay niya. Lahat na yata ay meron siya—gwapo, matalino, mayaman, gentlemen—name it. Hind ko rin alam kung bakit, kahit na halos lahat ay tinitingala siya, hindi ko siya nagustuhan.

Siguro dahil alam ko ang mga kalokohan ka-dugyotan niya sa buhay?

"Kapag hindi ko nagustuhan ang cake, hinding-hindi kayo makakain sa birthday ng kuya ko. Tandaan niyo yan." banta ko, na agad nagpagalit sa kanila.

Hindi nagtagal, natapos din kami. Itinago ko ang cake na ginawa nila sa loob ng refrigerator bago ko nilinis ang lamesa.

Bukas ang birthday ni Kuya.

Wala pa sina Mama, kaya inimbitahan ko muna sina Jace at Agatha na manood na kami ng movie. Wala namang pasok dahil sa malakas na ulan, ngunit hindi ito hadlang para sa amin na ipagdiwang bukas.

"Anong papanoorin natin?" tanong ni Jace habang binubuksan ang popcorn na binili namin sa kapitbahay kanina at inilalagay sa bowl.

"Netflix ba tayo manonood?"  tanong ni Agatha. "O sa YouTube lang?"

Nagkibit-balikat ako at pinindot ang TV, sakto namang nag-aadvertise ang mga movie sa Netflix. Nice timing.

"Yung, The Ring. Maganda siguro, tapos horror pa." mungkahi ni Jace habang tinuturo ang isa sa mga na-advertise na pelikula.

"Bakit hindi tayo manood ng horror movie mula sa Pilipinas? Maganda rin naman!" sagot ni Agatha. "Let's support them,"

"Napanood ko na eh, walang thrill."

"Lahat?" tanong ni Agatha, halatang interesado.

Nag-isip si Jace at nagkibit-balikat bago sumagot. "Siguro."

Naalala ko tuloy isang araw kung anong horror movie ang nakita ko sa Facebook na si Jodi ang bida. Maganda kasi ang trailer eh. Gusto ko 'yun mapanood.

"Bakit hindi natin subukang panoorin ang Clarita, nakita ko lang 'yon sa Facebook," sabi ko nang maalaala ko ang title ng movie.

"Ano yun? Hindi ko pa napanood ang movie na iyon. Palagi naman akong updated sa mga horror sa Pilipinas, ha." sagot ni Agatha habang kumukuha ng popcorn.

"Hoy! Wag ka munang kumain niyan, baka hindi pa nagsisimula ang movie, ubos na yan." pagsaway ni Jace sa kanya.

"Maganda  ang trailer at medyo horror."  sagot ko kay Agatha.

"Yun  na lang! Hindi ko pa yata iyon napanood." sabi ni Jace. "I  think? Hindi ko alam pero basta yun na lang panoorin natin!"

"Kunwari ka pa, baka wala kang napanood na horror movie, eh."

"Ulol! Lahat na yata napanood ko, eh nalimutan ko lang ang ibang titles." pagmamalaki ni Jace. "Baka ikaw diyan, may pasabi pasabi ka pang palagi kang updated sa horror movie sa Pilipinas."

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now