"Tyrell, hintay naman! Hindi na talaga mauulit!" sigaw ni Jace mula sa likod.
Lalo ko pang binilisan ang paglalakad para hindi siya makalapit sa akin. Naiinis talaga ako!
Kahapon, sinabi ko sa kanya na huwag niyang sabihin kay Papa ang nangyari. Pero paggising ko kanina, pinagalitan ako ni Papa dahil nalaman niya! Kaya ngayon, hindi ko mapigilang magalit kay Jace.
"Bespren naman! Hintay naman, oh!" muling sigaw niya.
Manigas siya diyan! Hindi ko siya papansinin!
"Hindi ko naman akalain na magagalit si Tito!" pa-explain niyang sabi, pero hindi ko pa rin siya pinansin.
Nagpatuloy ako sa paglakad nang papadyak, at kahit na nasa loob na kami ng classroom, hindi pa rin siya tumigil sa kakakulit sa akin. Pero nanindigan ako—hindi ko siya pinansin kahit anong gawin niya. Tumigil lang siya nang dumating na ang teacher namin.
"Okay, class. I’m on an emergency, kaya hindi ako makakapagturo ngayon. Alam kong kailangan ko nang i-check ang mga paper niyo para mabigyan kayo ng plus sa card, pero, as of now, may kapalit muna ako. Siya ang magtuturo sa inyo," paliwanag ng teacher namin. Tumigil siya sandali bago nagpatuloy. "Teacher Agapie will teach all of you. He agreed to do me this favor, and I hope na maging mabait kayo sa kanya."
Teacher Agapie? Sino 'yun?
May nagtaas ng kamay. "Ma’am! Ang sama ng ugali nun!" reklamo ng isa kong kaklase.
"Kids, he’s doing that para maituro sa inyo ang tamang asal. Please, kung ayaw niyo sa kanya, just pretend to be good students," sabi ng teacher namin.
Maraming reklamo ang narinig ko mula sa mga kaklase ko, pero hindi iyon pinansin ng teacher. Nagmamadali siyang umalis matapos sabihing hintayin lang namin si Teacher Agapie.
"Who's Teacher Agapie?" tanong ko sa katabi ko.
Nilingon niya ako at binulungan, "Worst teacher."
"Uh, bakit? Ano bang meron sa kanya? Bakit ayaw sa kanya ng classmates natin? May history ba siya dito sa school?" sunod-sunod kong tanong.
"This past few weeks, marami nang nagreklamo sa kanya, pero hindi siya matanggal-tanggal dahil sobrang galing niya magturo," sagot niya.
"Anong mga reklamo?" tanong ko ulit.
Kibit-balikat siyang tumingin sa harap. "Some about manners."
"Wait, ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong. "Ang sabi ni Teacher Sue, si Teacher Agapie ang magtuturo sa atin ng manners, tapos may nagrereklamo sa kanya tungkol sa manners? Ano 'yun, kalokohan?"
"Tyrell, magaling siya magturo, yes. Magaling siya sa lahat ng bagay, yes. Pero alam mo kung ano ang kinaiinisan ng lahat sa kanya?"
"Ano?" inis kong tanong. Ayoko talaga ng binibitin ako.
"Tinuturuan niya ng manners ang students, pero hindi niya maturuan ang sarili niya. At kapag hindi ka niya nagustuhan, babastusin ka niya. That’s why maraming ayaw sa kanya," paliwanag ni Jace.
Tumatango-tango ako habang iniisip iyon. Akalain mo, may ganitong tao pala talaga. Oh well, this world is full of toxic people, kaya hindi na ako dapat magtaka.
Napatingin ako kay Jace na naglalaro ng ML sa cellphone niya. Nang naramdaman niyang nakatingin ako, tinaasan niya ako ng kilay.
"Paano mo nalaman lahat ng ‘yon?" tanong ko, nagtataka pa rin sa dami ng alam niya.
"Lahat naman ng students alam ‘yon. Ikaw lang talaga ang nahuhuli sa balita sa school," natatawa niyang sagot.
Napasimangot ako. Hindi ko na siya pinansin at nilabas ko na lang ang cellphone ko. Naglaro ako ng Candy Crush dahil may pustahan kami ni Agatha tungkol sa level namin. Malapit na siguro siyang matapos sa level niya.
YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomansaTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life, forcing them to confront unresolved feelings. Now, th...