CHAPTER 13

661 55 94
                                    

"Ayoko na! Kanina pa tayo dito!" i said helplessly.

Ang hirap naman kasing turuan nito! Akala ko makakausap ko siya nang maayos, pero mukhang aabutin pa kami ng madaling araw. Hinilot ko ang sintido ko habang tinitignan ang mga papel na nagkalat sa maliit na lamesa.

Kanina pa akong umuwi at pagtungtong ko sa bahay, nandoon lang si Kuya na nanunood ng TV. Pagkatapos sabihin ni Leo iyon, tumawa lang siya habang ako'y naiba sa sarili dahil pinoproseso ko ang sinabi niya.

Alam kong hindi ko dapat seryosohin ang mga pick-up lines na iyon, pero hindi ko maiwasan; nagiging paranoid ako. Buti na lang, hindi nila iyon nahalata hanggang sa napagdesisyunan naming umuwi dahil wala nang masyadong tao sa campus.

Kaya para tuloy akong tanga dahil sa lalim ng iniisip ko.

"You can’t give up! You promised!"

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na kinuha ang papel na hawak niya. Nagtingin ako sa itinuro niya at napasampal na lang ako sa noo. Mali na naman ang sagot niya!

"Akala ko ba may nagtuturo sa'yo? Bakit parang wala kang natutunan?!" inis kong sigaw.

"Don’t shout!"

"Mag-Tagalog ka kasi!" tinutok ko sa kanya ang ballpen na hawak ko. “Isang English mo pa, susuko na talaga ako!”

"Oh come on, Lex! This is unfair! You promised to help me yet you’re giving up?!" saad niya.

"Eh akala ko naman kasi madali ang pagtuturo ko sa'yo dahil you are a freaking genius!"

Hindi siya sumagot at nakakunot ang noo, nagtanong ako sa kanya para mahasa siya sa Filipino. Pinapakat ko siya na magbasa ng malalim na Tagalog, ngunit sa halip na pasasalamat, mga reklamo ang natanggap ko!

Ako na nga ang nahihirapan sa paggawa ng malalim na Tagalog, may gana pa siyang magalit at mainis?!

"What's the meaning of this one?" Tinuro niya ang isang salita sa papel.

"Ano? Basahin mo." Sabi ko at bumalik sa pagsusulat. "Basahin mo, makikinig ako."

Hinintay ko ang sasabihin niya, ngunit dumaan ang ilang minuto at tanging paghinga niya lang ang narinig ko. Hindi ko maiwasang umangat ng tingin sa kanya.

Nakunot ang noo niya habang tinitingnan ang papel, sinuri niya ito na parang nahihirapan.

"Ano?!"

Sinamaan niya ako ng tingin at bumalik sa papel. Tila nagsalubong ang kanyang kilay at mukhang nahihirapan na siya. Gusto na yata niyang sumuko pero pinipilit pa rin niyang intindihin.

"Shit, can you read this to me?!" inis niyang itinapon ang papel sa akin.

Umirap ako sa kanya. "Bakit kasi ang tagal sumuko! Nag-aaksaya ka lang ng oras!" tinignan ko ang nasa papel.

"Pinakanakapagpapabagabag-damdamin." binasa ko ito nang dahan-dahan dahil medyo nahirapan ako. Natatawa na lang ako sa paraan ng pagbabasa ko.

Nakunot ang noo niya. "What’s the meaning of that?"

Napaisip ako bigla at inalala kung ano ang ibig sabihin ng binasa ko.

"The most emotionally disturbing thing... or maybe upsetting, not disturbing?" Ani ko, na hindi sigurado. "Ah! You can pick one of the two words, whatever you want."

"The most emotionally disturbing thing?" pagsigurado niya at tumango na lang ako.

Tumayo ako at sinabi sa kanya na magpatuloy siya sa pagbasa habang kukuha lang ako ng pagkain. Nagbukas ako ng refrigerator at mabilis na kumuha ng meryenda at juice. Pagbalik ko, nakita kong nakakunot na naman ang noo niya, muling nahihirapan pero sinisikap pa rin na magpatuloy.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now