"Ang init naman!" Pinapaypayan ni Jace ang sarili niya habang nakabilad kami sa araw. Ako naman, nakasimangot na lang habang tinitingnan ang mga kaklase naming pagod na pagod na rin. "Whoh! grabi ang hot ko,"
I rolled my eyes at him.
"Bakit kasi naimbento pa ang ganitong activity?!" reklamo niya ulit. Napa-ismid na lang ako.
"Kung maka-reklamo ka naman diyan, akala mo 24 hours kang binilad sa araw."
"Kahit hindi 24 hours! Ang init pa rin!"
"Matagal ka na dito sa Pilipinas, ngayon ka pa magre-reklamo?" sabi ko, sabay irap.
Sinamaan niya ako ng tingin, pero deadma lang ako. Kahapon pa siya reklamo nang reklamo—una kay Sir Agapie, tapos ngayon naman sa activity na 'to. Hindi ko rin kasi alam kung anong klaseng malas ang pumasok sa buhay namin, dahil absent si Ma'am Sue for a week, walang ibang teacher na pumalit. Kaya heto kami, naka-extended na MAPEH period sa field, lahat mukhang lutong-luto na sa araw. Yung iba, nagsitalunan na sa canteen.
"College is bullshit, right?" biglang sabi ni Cassandra na katabi ko.
Napatingin ako sa tinitingnan niya, and of course, dun sa group of college students na kanina pa nakatitig sa amin.
"Ewan," sagot ko casually habang nililingon si Jace.
Si Jace, ayun, naka-upo pa rin at nagpapaypay nang todo. Namumula na yung pisngi niya, at pawis na pawis na rin yung uniform. Natawa ako ng bahagya—mukha siyang bagong ligo. Napansin niya ako.
"Nakakatawa ba 'yun?" tanong niya na halatang sakristan ang tone. Mas lalo akong natawa.
"May tubig ka ba?" tanong niya bigla.
"Nasa bag ko. Bakit?"
"Wala kasi akong tubig. Alam mo naman ako, bespren, pag wala akong tubig—"
Inikotan ko siya ng mata ulit ako. Alam ko na kung saan ito papunta. "Hindi ka naman makakapasok sa classroom, eh."
"Ba't mo iniwan sa room?"
"Malay ko bang PE activity pala ngayon!" sagot ko, sabay paypay sa sarili ko gamit ang ID.
Magsasalita na sana siya nang sumingit si Cassandra. "Tara sa canteen. Pretty sure maiintindihan naman ni Sir Moses."
"Yun din sana ang sasabihin ko, inunahan mo lang ako!" reklamo ni Jace. "Mang-aagaw!"
"Tara na. Mainit lang kaya mainit din ulo mo," sabi ni Cassandra, sabay hila sa akin.
"At sino namang nagsabing dahil mainit ang panahon, mainit na rin ulo ko?!" reklamo ni Jace habang nakasunod sa amin. "Ulo ko ba ang global warming ngayon?"

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...